Pacman, negatibo sa 2nd test ng COVID-19
- Rafaella Garcia
- Apr 21, 2020
- 1 min read

Lumabas na negatibo sa coronavirus infection si eight-division boxing world champion at Senador Manny Pacquiao na kinumpirma nitong Lunes.
Ayon sa boxing champ na si Pacquiao, lubos ang kanyang pasasalamat sa Poong Maykapal na patuloy ang proteksyon Niya sa lahat ng tao at kasabay nito ay nagpasalamat din siya sa DOH at sa lahat ng kanyang nakasama na magdasal upang malampasan ang nasabing hamon ng COVID-19.
Minabuti ng pamilyang Pacquiao na manatili muna sa kanilang tahanan, alinsunod na rin sa payo sa kanila ng doktor na si Rontegens Solante ng Infectious Disease Department na head ng San Lazaro Hospital.
Una nang nagpasuri si Pacquiao nang gamitin nito ang mga testing kits na galing sa South Korea kung saan lumabas itong negatibo, ngunit dahil nga sa hindi maiwasan ang kanyang pakikisalamuha sa iba't ibang tao sa Senado bago pa man ang ECQ ay minabuti na rin niyang mag-home quarantine muna.
Sa kabila ng home quarantine ng pamilya Pacquiao, naging abala pa rin ang champion boxer sa pagtulong sa mga frontliners at mga nangangailangan na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) bunsod ng coronavirus.
Nangako naman si Pacquiao na patuloy na maglilingkod sa bayan sa kabila ng ECQ upang matulungan ang ilan pang mga kababayan.








Comments