top of page

Epektib din daw sa dengue, HIV, kagat ng aso, ahas etc.. Fabunan Antiviral Injection vs. COVID-19

  • Madel Moratillo​
  • Apr 19, 2020
  • 1 min read

Kumakalat ngayon sa social media ang mga panawagan sa pamahalaan na aprubahan na ang bakuna na nakakagaling umano sa Coronavirus Disease 2019.

Ito ang Fabunan Antiviral Injection na sinasabing gamot umano sa COVID-19.

Ang Fabunan Antiviral Injection o FAI ay naimbento ni Dr. Ruben Fabunan.

Ang FAI ay ilang dekada na umanong ginagamit na napatunayang epektibo sa pagpapagaling sa mga sakit gaya ng dengue, chikungunya, kagat ng aso, ahas dog bite at kahit pa HIV/AIDS.

Sinasabing nagsumite na umano ang mga Fabunan ng aplikasyon sa Food and Drug Administration para mabigyan sila ng sertipikasyon.

Pero sa isang pulong balitaan ng Department of Health nitong nakaraang araw, muling iginiit ni FDA Director General Eric Domingo na wala pang naghahain ng aplikasyon sa ahensiya para sa mga gamot o bakuna kontra COVID.

Iginiit din nito na wala pang gamot kontra sa COVID-19.

Noong Abril 8, isang advisory ang inilabas din ng FDA na nagbibigay ng babala sa publiko laban sa

Fabunan Antiviral Injection at PRODEX B na hindi umano dumadaan pa sa pagsusuri ng ahensiya.

Sa kanilang social media account naman nilinaw ng Fabunan Medical Clinic na ang kanilang antiviral injection ay ginagamit lamang eksklusibo ng kanilang mga doktor.

Hindi rin umano ito for commercial use at wala rin silang mga sales managers.

Sa kabila nito, umaani ng suporta at panawagan sa social media ang FAI at may ilang Facebook group pa ang binuo bilang suporta sa bakunang ito kontra COVID-19.

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page