top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pangulong Duterte, inaprubahan ang massive rapid testing para sa pagbangon ng ekonomiya

  • Thea Janica Teh
  • Apr 15, 2020
  • 2 min read

Bulgarific

Photo by: Presidential Communications

Pinasalamatan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa agarang pag-apruba sa ipinaplanong rapid mass testing sa COVID-19 ng mga pribadong sektor.

Noong April 13, sa pagpupulong sa Malacañan Palace, ibinahagi ni Concepcion kung ano ang mga paraan para makabangon muli ang ekonomiya ng bansa nang ligtas at sigurado. Isa rito ang inisyatibo ng mga pribadong sektor na simulan ang massive rapid testing sa Metro Manila at iba pang karatig na probinsiya.

Kamakailan ay inaprubahan ni Pangulong Duterte ang agarang pagkuha ng mga kakailanganing test kits na mula sa pinagkakatiwalaang supplier. Ito ay ang mga antibody test at rt-PCR kits na gagamitin ng gobyerno para sa publiko. 2 milyon IgM IgG antibody kits ang bibilhin ngunit, hindi pa sinasabi kung magkano. Php3.2 bilyon naman ang budget para sa 40,000 rt-PCR kits na maaaring magamit sa 900,000 confirmatory tests.

Ang antibody test ay gagamitin para ma-detect ang IgG at IgM antibodies kung saan tinutulungan nitong makita kung may nabubuong virus matapos itong maka-recover. Ang IgM immunoglobulin ay may active disease, samantala ang IgG immunoglobulin ay may recovery at immunity.

“I will take the risk. I will order the Health Department. In the meantime, the private sector is doing it. I am clearing the way by ordering the purchase. What we are trying to buy outside has already been approved by the FDA of the United States of America,” bahagi ni Pangulong Duterte.

Ito ay para sa pinaplano ng pribadong sektor na pinangungunahan ni Concepcion na magkaroon ng massive screening ng kanilang mga empleyado at sa mga kalapit nitong barangay. Ang screening ng mga residente sa barangay ay magiging boluntaryo.

“Ano ang mas importante? Ang buhay o ang pera? Walang pagdududa, mas mahalaga ang buhay. Ngunit, kung walang pera, paano makakakain ang mga tao? Paano sila makakabili ng gamot? Paano makaka-recover ang MSME? Paano natin maibabalik ang ekonomiya at mapapanatili ang seguridad at kaligtasan nito?” bahagi ni Concepcion.

“Mr. President, tama ang inyong ginawa sa pagsasailalim ng Luzon sa lockdown dahil ito ay isang emergency situation. Gusto ko ring magpasalamat kina Senator Bong Go, Defense Sec. Delfin Lorenzana, National Action Plan (NAP) Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr., at Cab. Nagpapasalamat din ako sa effort ni Sec. Karlo Nograles dahil siya ang naging instrumento para maaprubahan ang inisyatibong ito. Malapit na tayong makatapos sa ECQ. Ngayon, nakadepende na sa bilang at lokasyon ang nagpositibo sa virus per area. Kailangan nating ikonsidera ang barangay Quarantine, pataas sa City/ Municipality Quarantine at Provincial Quarantine at mas malawakang lockdown kung kakailanganin,” dagdag ni Concepcion.

Inirekomenda rin ni Concepcion na magkaroon ng sistema ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) at balikbayan sa pagbalik sa bansa. Sa kanilang pagdating, inirerekomenda na magkaroon ng proper testing at screening.

Sa ngayon, ang mga dumalo sa meeting tulad ng conglomerates, businesses at major business organization na pinangunahan ng Office of the Presidential Adviser for Entrepreneurship ay sumang-ayon at kinumpirma na aksyunan ito bilang kanilang parte sa pagtataguyod ng inisyatibong ito.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page