Kinumpirma ni Concepcion, plano ng mga pribadong sektor, massive rapid testing
- Thea Janica Teh
- Apr 13, 2020
- 2 min read
Bulgarific

Inanunsiyo kamakailan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion na maglulunsad ang mga private sector ng massive rapid testing para sa COVID-19. Ito ay napag-usapan sa consultative meeting noong April 9 na dinaluhan nina National Task Force (NTF) on COVID-19 Chair at Defense Sec. Delfin Lorenzana, NTF Chief Implementer General Carlito Galvez, industry at business leaders at executive ng large at medium conglomerates.
Ibinahagi rin ni Concepcion na sa nakalipas na araw ay magkasamang nag-iisip ng mga ideya, stratehiya at proposal ang private at public sector sa kung paano mapupugsa ang virus nang hindi matatamaan ang ekonomiya ng bansa. Ang lahat ng rekomendasiyon ay base sa mga ideya mula sa private sector kabilang sina Former Health Secretary Manuel Dayrit at Dr. Rizzy Alejandro na mula sa Ayala Group at Dr. Minguita Padilla, Clinical Associate Professor sa Philippine General Hospital -UPCM. Isa sa mga nairekomenda ay pagkakaroon ng selective barangay quarantine na sinuportahan din ng mga Secretary.
Inaprubahan din ng ilang Business owners ang massive rapid testing sa kanilang kompanya at barangay kung saan sila nago-operate. Ito ay para malaman ang bilang ng mga taong mayroong coronavirus at sa mga taong gumaling na sa sakit na ito. Ito rin ay para malaman ang level ng pagkalat ng virus ng sa ganon, ang mga business owner ay makaisip ng iba pang istratehiya sa pagsugpo sa virus na ito.
“Sa tuloy-tuloy na pag-test at pagsasama-sama ng mga datos, maaari ng makapag-develop ang gobyerno at iba pang ahensiya ng plano. Maaari rin tayong makatulong sa ating mga frontliner, ang mga doctor at nurse, ang micro, small at medium enterprises (MSMEs). Kapag nagkaroon na ng sapat na plano, maaari na tayong makapagtrabaho muli at mabalik sa dati ang ating ekonomiya,” dagdag ni Concepcion.
Ang mga private sector companies ay maaari ng magsimula sa pagpaplano ng test sa kanilang kompanya at nasasakupang barangay sa mga susunod na linggo para malaman kung gaano na karami ang bilang ng nagkaroon ng virus lalo na sa Metro Manila.
Sa ngayon, ang Polymerase Chain Reaction (PCR) test at antibody test ang mga pangunahing ginagamit ng global healthcare system para matukoy kung sino ang may COVID-19.
Ito ang mga initial approaches na kailangan nating ma-determine para malaman kung sino ang infected at kung sino ang may antibodies. Kung ito ay maisasagawa sa buong Pilipinas, maaari ng makaisip ang gobyerno at iba pang ahensiya ng susunod na gagawin para mapugsa ang virus na ito.
“Tayo ngayon ay nasa proseso na ng pagbibilang kung ilang kompanya ang makikiisa at susuporta sa programang ito. We are in a modern-day war and this is “bayanihan” in action. Together, we will win and heal as one,’ dagdag ni Concepcion.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments