top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pagbibigay ng tulong-pinansiyal, gawing patas sa lahat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 8, 2020
  • 1 min read

Kasunod ng pag-anunsiyo ng pamahalaan sa social amelioration program, nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sasampolan ang mga local government officials na may pinapaburan sa listahan ng mga benepisaryo sa tulong-pinansiyal.

Malaki ang papel ng LGUs sa nasabing programa sapagkat sila ang nakaaalam ng profile ng mga target beneficiaries.

Kaya naman, sa oras na mapatunayang may ‘palakasan system’ na namang nagaganap, mahaharap ang mga ito sa sanctions na ipapataw ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Nakakadismaya na nagkakalituhan na nga sa sistema, tapos sasamantalahin pa.

Inilaan ang ayuda para matulungan ang marami sa ating mga kababayan at hindi para mapakinabangan lamang ng iilan.

Batid natin na limitado ang pondo kaya sana naman ay maging responsable at patas ang mga ito sa mga aabutan ng tulong.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page