Maymay,natauhan nang pinaasa lang ni Eward, binura ang mga pictures nila sa IG
- Beth Gelena
- Apr 8, 2020
- 3 min read
Beth Gelena / Bulgary Files
Willie, binigyan ng P5K ang caller kahit hindi nakasagot sa tanong
Sa FB Live ng Wowowin kamakailan ay namigay si Willie Revillame sa mga contestants ng cash prizes. Ang mechanics ni Kuya Wil, dapat ay manood ng replay ng Wowowin sa GMA-7 at doon siya kukuha ng mga tanong sa tumatawag na contestant.
Isang contestant ang masuwerteng agad na nakausap ng Wowowin host.
Sa call center siya nagwo-work pero dahil sa enhanced community quarantine ay hindi na raw siya nakakapasok.
Tanong ni Kuya Wil ay kung nakapanood siya ng Wowowin replay on that day. Sad to say ay ‘hindi’ ang sagot ng caller dahil pagbukas daw niya ng TV nila ay 24-Oras na ang palabas.
Ani Kuya Wil, “Papa'no kita niyan tatanungin kung hindi ka pala nakapanood? Tiyak na hindi mo alam ang sagot.”
Eh, si Kuya Wil pa, sadyang malambot ang puso lalo na sa panahon ngayon na lugmok ang Pilipinas.
Hindi niya maatim na ‘di bigyan ng ayuda ang caller kaya sabi ng Wowowin host, "Sige, kahit 'di ka na sumagot, papadalhan kita ng P5K."
Tuwang-tuwa ang caller at gumagaralgal ang boses habang nagpapasalamat sa Wowowin host.
◘◘◘
Nadine, pumila sa supermarket
Nakuhanan ng netizen si Nadine Lustre habang nakapila para mamili sa isang supermarket somewhere in Quezon City.
Bilib sila sa actress dahil kahit mahaba ang pila ay very patient na naghintay for her turn para makapasok sa loob.
Kahit may netizen na nag-offer na mauna na siya sa pila ay nag-beg-off daw ang ex-girlfriend ni James Reid at hindi nag-take advantage. Kaya, hinangaan si Nadine ng mga nandu'n. Hindi raw nito ginagamit ang kasikatan para maging VIP (very important person) ngayong nasa panahon ng krisis ang Pilipinas.
Habang nakapila sa labas, inoobserbahan daw ni Nadine ang mga tao na naka-social distancing.
Komento ng mga netizens: “Ang simple lang talaga. Walang kaarte-arte talaga, Miss Nadine!”
“She's so patient waiting the queue.”
“Nadine does her own groceries and shopping even before Covid-19. Walang sino man maski politician ang puwedeng magpa-VIP treatment specially nowadays...”
“Sa estado ni Nadine at danger sa Covid-19, puwede niyang iutos ang groceries niya sa ibang tao, but typical of her who's always independent, she prefers to do her errands by herself.”
“Sa totoo lang, ha, you can’t blame her fans na humanga sa kanya sa simple grocery shopping amidst this pandemic. Why? Sino ba'ng artista nakita n'yo ngayon na lumabas at mag-grocery?”
Sabagay, may point ang komento ng netizen.
◘◘◘

Maymay, natauhan nang pinaasa lang ni Edward, binura ang mga pictures nila sa IG
Kaya naman pala may mahabang mensahe si Maymay Entrata na strictly friends lang ang relationship nila ni Edward Barber ay dahil may girlfriend na umano ang young actor.
May issue kasing nagsi-circulate sa social media na si Edward ay may iba palang girl at hindi si Maymay.
Dahil dito ay dinelete na raw ni Maymay ang mga photos ni Edward sa kanyang social media account.
Ang mga fans ng MayWard ay nalungkot, pero mas kinampihan nila ang young actress kesa kay Edward. User lang daw pala ang British actor. Sana raw ay hindi na lang niya pinaasa si Maymay nu’ng nasa loob pa lang sila ng PBB house.
Sigurado, kaya raw binura ni Maymay ang mga photos ni Edward ay dahil galit ang young actress.
“Umasa lang din siguro siya na may something sa kanya si Edward. Sana 'di na lang naging pa-sweet si Edward sa kanya kung 'di naman pala totoo. Kawawa rin si Maymay,” ani ng isang fan.
May humopia raw kasi kaya nag-iba ang ihip ng hangin sa parte ni Edward.
“Ang bait naman ni Maymay. Siguro kasi, 'di nagpakatotoo si Edward. No expectations kung straightforward siya, 'di ba?”
“Deleted na lahat ng photos ni Edward sa IG ni MM, maliban sa promotional Videos/Pictures nila. Hehe! Showbiz pa rin.”





Comments