Piolo, pinresyuhan ng P100 K maghubad lang ng t-shirt, ‘di napilit
- Julie Bonifacio
- Apr 5, 2020
- 3 min read

Nagkasama-samang muli sa unang pagkakataon ang mga miyembro ng hottest all-male star group nu'ng early 2000 na Hunks sa online fundraising concert nina Matteo Guidicelli at Kean Cipriano na One Voice Pilipinas last Saturday.
Ang Hunks ay binubuo nina Piolo Pascual, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Bernard Palanca and Jericho Rosales.
Nakatsikahan nina Matteo at Kean ang grupo except for Carlos dahil huli na raw niyang nakuha ang message tungkol sa pagsasama-sama nila ulit.
Nasa kani-kanilang bahay sina Echo, BJ and Diet, habang nasa rest house naman niya sa Batangas si Papa P..
But prior sa Hunks’ "reunion" sa online fundraising nina Matteo at Kean, nauna nang lumabas dito si Piolo.
Ayon kay Piolo, kasama niya sa kanyang rest house ang kanyang Mommy Amelia, his sister at dalawang family friends.
Hindi nabanggit ni Piolo ang anak niyang si Iñigo Pascual kung kasama rin niya sa kanyang rest house.
Well, we guess kasama naman siguro ni Iñigo ang kanyang mommy.
Bukod sa family and friends, kasama rin daw ni Papa P. sa Batangas ang kanyang driver na umalis muna para bumili ng stocks nila sa rest house.
Day one pa lang ng enhanced community quarantine (ECQ) ay nandoon na raw sila. So, they're been there for three weeks already.
While si BJ (Bernard), 'di kami sure kung nandito siya sa 'Pinas habang naka-online with his co-Hunks. Eh, 'di ba, kamamatay lang ng mommy niya na si Pita Revilla na based na sa US? Habang sina Echo at Diet, naka-"home" quarantine naman.
May pa-game kasi sina Kean at Matteo tungkol sa "pinaka" ng Hunks katulad ng pagsasabi kung sino ang may pinakamaraming ex among them.
"Nanonood nang live si Kim," sabi ni Echo na ang tinutukoy ay walang iba kundi ang misis niyang si Kim Jones.
Si Diet naman ay "pormal na pormal" ang suot kumpara sa tatlo na naka-long sleeves pa. Pero nabuking naman siya na naka-shorts lang pagkatapos kunin ang painting niya.
Yes, Ateng Janiz, painting ang pinagkakaabalahan ni Diet ngayong ECQ.
"Well, today, we coordinate with… we're very much actively coordinating with the Phil. Coast Guard. I think, we're also actively participating with Philippine Army. We do a lot of coordination with the Phil. Army. We do a lot of coordination, uh, pagdi-distribute ng ibang medical equipments, supplies. Of course, 'di tayo gaanong lumalabas ng bahay. So, spend most of the time sa bahay. Learning new things. Marami tayong natututunan ngayon. Painting minsan," pahayag ni Diet.
Obvious na marami pa ring tagasubaybay ang Hunks kasi ang bilis umakyat ng views nu'ng pumasok na sila bilang guests nina Matteo at Kean.
Bago pumasok ang Hunks ay merong 2,700 views ang One Voice Pilipinas. Kapansin-pansin na nu'ng pumasok na sila ay mabilis na umakyat sa 6K ang views.
Ang dami ring nag-comment at nagpabati sa Hunks while ongoing ang interview. And from almost P8.5 M, umabot sa more than P8.794 M ang donasyon after a couple of minutes na nakasalang ang Hunks.
Nadagdagan pa 'to nang magsabi ang anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow ng P100 K donation kapag nagtanggal ng shirt niya si Papa P..
Actually, maaga pa lang ay tinutukso na ni Echo si Papa P. na magtanggal ng shirt at tumalon sa dagat para makakuha ng mas malaking donation from the netizens na nanonood. But sad to say, walang "shirtless Piolo" na naganap.
Umabot naman sa 14K ang views ng portion ng Hunks hanggang matapos sila sa One Voice online fundraising.
Sa comments section naman ay maraming nagri-request na after ng Hunks, isunod na i-guest nila sa online fundraising ang grupo ng Kanto Boys na binubuo nina John Lloyd Cruz, Luis Manzano, Vhong Navarro and Billy Crawford.
Aba, bongga 'yun!





Comments