PCSO, tutulong sa pagsagot sa gastos sa treatment ng COVID-19 patient
- Thea Janica Teh
- Apr 5, 2020
- 1 min read

Bulgarific
Nakikipagtulungan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa PhilHealth para matugunan ang mga pangangailangan at sagutin ang gastos ng pagpapagamot ng mga Filipinong nagkaroon ng COVID-19 sa ating bansa.
Kamakailan ay inanunsiyo ng PhilHealth na sasagutin nito ng buo ang COVID-19 treatment hanggang April 14, 2020 at maglalabas ng bagong guidelines para sa packages na base sa accepted protocols.
Ayon kay PCSO General Manager (GM) Royina Garma, nagbigay na sila ng Php420.585 milyon sa Philhealth para pagsagot sa COVID-19 packages. Ngunit, kapag tumaas pa ang bilang ng mga kumpirmadong may COVID-19 ay daragdagan pa ng ahensiya ang kanilang kontribusyon sa PhilHealth para malabanan ang pandemic na ito.
“Para sa mga nagkaroon ng virus at sa pamilya nito, malaki ng kabawasan ang pagsagot sa gastusin sa ospital sa kanilang iniisip,” ani Garma.
Pebrero pa lamang ay pinaghandaan na ng PCSO ang budget para suportahan ang gobyerno sa paglaban sa virus na ito.
“To the gaming enthusiasts, this is your money. Sa bawat bili ng ticket, 30% rito ay automatikong napupunta sa charity fund ng ahensiya. Kaya naman kahit hindi ninyo nakuha ang jackpot prize o iba pang premyo ay panalo pa rin kayo dahil sa pagtulong sa kapwa Filipino dahil sa Charity Programs ng PCSO,” dagdag ni GM Garma.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments