top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Php447 milyon, ipapamahagi ng PCSO sa iba’t ibang ospital

  • Thea Janica Teh
  • Apr 2, 2020
  • 2 min read

Bulgarific

Pagkakalooban ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng humigit-kumulang Php447 milyon ang 81 ospital sa buong Pilipinas bilang tulong-pinansiyal laban sa COVID-19.

Ibinahagi ni General Manager Royina M. Garma na naaprubahan ang tulong-pinansiyal na ito sa 81 ospital na nangangailangan ng malaking halaga para matugunan ang pangangailangan sa pagpugsa sa COVID-19.

Ito ay iba pa sa Php420 milyong pondo na inilabas at ibinigay sa PhilHealth na inanunsiyo kamakailan.

Ang kasama sa tulong-pinansiyal na ito ay limitado lamang para gamitin sa pagpuksa sa COVID-19 tulad ng testing kits; reagents; medical/ diagnostic equipment; confinement; medicines; laboratory/ diagnostic procedures at personal protective equipment.

Ang aprubadong pondong ito ay mababawas sa Charity fund nito na nakapailalim sa Calamity Assistance Program (CAP) budget.

Ilan sa mga ospital na mabibigyan ng tulong-pinansiyal mula sa PCSO ay ang Philippine General Hospital, Research Institute for Tropical Medicine and Southern Philippines Medical Center, Lung Center of the Philippines, Vicente Sotto Memorial Medical Center, Davao Regional Medical Center, Cagayan Medical Center at marami pang iba.

Inaanyayahan din ang lahat ng mga Head ng 81 na ospital na pumunta sa pinakamalapit na PCSO branch office para makuha ang iba pang detalye at maplano na ang makukuhang pera sa kung paano ito gagamitin.

Ang additional na pondong ito ay nakapailalim sa Memorandum na inisyu ng Executive Secretary Salvador Medialdea noong March 28, 2020 na may subject na Implementation of the Temporary Emergency Measures under the Republic Act (RA) No. 11469 o ang bayanihan to Heal as One Act na naglalayong magtulong-tulong ang lahat ng government agency para maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga frontliner.

Pinapaalala ng PCSO na handa sila palagi na ibigay ang mga pangangailangan, tulong-medikal sa lahat ng mamamayan. “Let’s do our part as individual by cooperating and following orders so that we can flatten the curve and put an end soon to this invisible enemy,” ani Garma.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page