top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Mansion ni Gerald, ka-level na ng kina Pacquiao, willie at Coco

  • Erlinda Rapadas
  • Apr 2, 2020
  • 4 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Napakasuwerte ni Julia Barretto kung seseryosohin siya ni Gerald Anderson at mauuwi sa kasalan ang kanilang relasyon.

Financially stable na si Gerald. Marami na siyang kabuhayang naipundar para sa kanyang future. May mga investments na rin siya. Kaya na niyang bumuhay ng sariling pamilya at may naipatayo na siyang bahay na mala-mansion sa laki.

Talagang ginastusan nang husto ni Gerald ang kanyang dream house. In fact, kahanay na ng mansion niya ang mansion nina Sen. Manny Pacquiao, Willie Revillame, Coco Martin, Kris Aquino, Dingdong Dantes, ganu’n din ang kina Kim Chiu, Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Joel Cruz, atbp. top celebrities na kumita nang milyun-milyon sa showbiz.

Kung si Gerald na ang "the one" at sadyang itinakda para kay Julia, in a way, magkakatulungan naman sila upang mas tumatag pa ang kanilang kabuhayan. That is kung hindi magiging materyosa at maluho si Julia sa kanyang lifestyle.

At least, si Gerald ay marunong mag-control at humawak ng kanyang finances. Pinahahalagahan niya ang bawat sentimong kanyang kinikita.

***

ROCCO, PUMUNTA SA MGA LIBLIB NA LUGAR PARA MAGPAMUDMOD NG PAGKAIN

NAUDLOT ang plano ni Rocco Nacino na itaon sa kanyang kaarawan noong March 21 ang paglipat niya sa kanyang dream house sa Antipolo.

Talagang pinaghandaan niya ang special event na 'yun bilang regalo niya sa kanyang sarili.

Ilang taon din niyang pinag-ipunan ang pagpapatayo ng pangarap niyang bahay. Naging inspirasyon niya ito upang mas magsumikap sa mga projects na kanyang natatanggap.

Isa na rito ang action-serye niyang pansamantalang natigil ang teyping dahil sa pinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Lahat ng TV networks ay sumunod sa kautusang ito para na rin sa kaligtasan sa COVID-19 ng mas nakararami. Kaya naman hindi na muna itinuloy ni Rocco ang balak niyang paglipat sa bago niyang bahay noong kanyang birthday.

Sa halip na maghanda at magkaroon ng selebrasyon, minabuti ni Rocco na mag-ikot sa mga liblib na checkpoints at mamigay ng food packs sa mga pulis/sundalo na nagbabantay.

Feeling fulfilled si Rocco sa ginawa niyang paghahatid ng pagkain sa mga frontliners. Na-miss din niya ang mga co-stars sa Descendants of the Sun. Nagba-bonding na lang sila nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis, atbp. via live streaming sa Zoom.

***

DONASYON NI ARNOLD SA MGA FRONTLINERS, SUPORTA DO NG SHOW NILA

Tiyak na maninibago at mami-miss ng mga suking viewers ang morning show na Unang Hirit na pansamantalang sa Facebook Live mapapanood habang hindi pa natatapos ang lockdown.

Tulad ng dati, maghahatid ang UH ng mga sariwang balita at napapanahong impormasyon sa mga kaganapan sa paligid.

Ang Unang Hirit ang longest-running morning show ng GMA Network at ang main hosts ay sina Arnold Clavio, Suzi Entrata, Connie Sison, Maris Umali, Susan Enriquez, Ivan Mayrina at Lhar Santiago.

Kahit na sa FB Live na mapapanood ang UH, may iba't ibang segments ang show tulad ng workouts nina Valeen Montenegro at Gabbi Garcia.

Ipakikita naman ni Connie Sison ang galing niya sa pagluluto.

Ginawa ang pagbabago sa UH upang makaiwas ang mga hosts/staff sa deadly COVID-19.

Samantala, ang UH host na si Arnold Clavio ay nag-donate rin ng medical supplies para sa mga health workers at frontliners. Thru his Igan Foundation, ang mga kasamahan niya sa UH na sina Susan, Ivan, Connie, Mariz, Suzi, atbp. ay nag-ambag-ambag din para sa project ni Arnold.

Namigay ang Igan Foundation sa mga hospitals na nangangailangan ng N95 masks, PPEs, aerosol, helmets at alcohol.

***

SINO kaya kina Coney Reyes at Kuh Ledesma ang kayang harapin at pakisamahan ni Carla Abellana kung magiging biyenan niya in real life?

Magkaibang klase ang karakter nina Ms. Coney at Kuh sa kanilang role bilang mother-in-law na istrikto at intimidating.

Sa Love of My Life, isang biyuda na successful businesswoman si Coney. Anak niya si Stefano (Tom Rodriguez) na napangasawa ni Adelle (Carla). Mataas ang standard ni Coney (Isabela Gonzales) sa gusto niyang mapangasawa ng kanyang anak at susukatin niya ang galing at talino ni Adelle. Pero, hindi siya inurungan ng palabang manugang.

Samantala, sa My Husband's Lover, isang overprotective na mommy si Kuh na nakikipagkumpitensiya sa atensiyon at pagmamahal ng kanyang anak.

Lahat ng kilos at gawin ng kanyang manugang ay kanyang kinokontra.

Well, sa tunay na buhay kaya, may isa kayang Coney o Kuh na pakikisamahan si Carla sakaling magpakasal na sila ni Tom? Pero kung alang-alang naman kay Tom, kayang ipaglaban ni Carla ang lahat.

***

SARAH, HAPPY KAY MATTEO, WA' PAKI SA PAMILYA KAHIT MAY COVID-19

MAHIGIT na isang buwan nang kasal sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Masaya silang nag-uumpisang mamuhay bilang husband and wife.

Magkatulong silang namimili ng mga gamit sa bahay at nagde-decorate ng

kanilang tinitirhang condo.

Larawan ng isang happy wife si Sarah base sa nai-post niyang piktyur ni Matteo. Malayang-malaya na nga ngayon si Sarah at ang mga bagay na hindi niya nagawa dati ay kanya nang nai-enjoy.

Marami silang kaibigan ni Matteo na nagbibigay sa kanila ng payo at tips para maging masaya at matibay ang kanilang pagsasama.

May ilan namang netizens ang nagtatanong kung naisip o nag-alala rin kaya si Sarah sa kanyang mga parents (especially Mommy Divine) ngayong may COVID-19 pandemic at nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon? Nag-attempt din ba si Sarah na kumustahin ang kalagayan ng kanyang pamilya?

For sure, bilang anak, hindi maiaalis na mag-alala rin siya sa kaligtasan ng mga mahal niya sa buhay.

At si Mommy Divine, tanggap na rin kaya na kasal na sina Sarah at Matteo dahil hindi na ito mababago pa?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page