top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Php420 milyon, ibinahagi ng PCSO laban sa COVID-19

  • Thea Janica Teh
  • Mar 29, 2020
  • 2 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Ibinahagi ni General Manager Royina M. Garma na naglaan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng Php420 milyon para sa pagresponde at makatulong sa gobyerno sa pagpugsa sa kumakalat na Corona Virus 2019 o COVID-19 simula pa noong buwan ng Pebrero, 2020.

Binanggit din ni Garma na bukod sa mga health programs tulad ng medical assistance ay handa rin tumulong ang ahensiya sa gobyerno at mga kababayan na naaapektuhan ng krisis na ito. Noong March 25, 2020, ang Inter-Agency Task Force on Management on Emerging Infectious Disease (IATF-MEID), sa ilalim ng Executive Order No. 108 s. 2020 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsasabing nai-transfer na ang Php420 milyon sa PhilHealth bilang tulong sa mga naapektuhan ng COVID-19.

“Inihanda na ang pondong ito para sa emergency response bago pa man lumaki ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa,” dagdag ni Garma.

Sa kabila ng pagsuspinde ng operasyon ng main office at iba pang branch ng PCSO sa Luzon ay sinisigurado ng ahensiya na patuloy pa rin ang pagtulong nito sa mamamayang Filipino.

Kaya naman, kung kailangan ng medical assistance ay maaaring tumawag sa kanilang hotline sa Mobile Number: 0945-7746439; 0915-2962243; 0917-7035866, Landline: (02) 84043956, Email: pcsomain.charity@pcso.gov.ph o bisitahin ang kanilang Social Media Page sa @Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ang mga nagpasa ng aplikasyon para sa medical assistance ay agad na ire-refer sa Malasakit Center at iba pang government hospitals.

Bukod pa rito, tinaasan din ng ahensiya ang pang-araw-araw na pondo nito hanggang April 16, 2020 sa Lung Center of the Philippines sa Php1 milyon, Philippine Children’s Medical Center sa Php400,000, Philippine Heart Center sa Php500,000, Philippine General Hospital sa Php1.5 milyon, Rizal Medical Center sa Php400,000 at Taguig Pateros District Hospital sa Php400,000 para mas mapaigting ang charity at social works laban sa COVID-19.

Nagbibigay din ang PCSO ng 7 bus para sa libreng sakay na umiikot sa Metro Manila para maisakay ang mga frontliners at mga naapektuhan sa pagsuspinde ng transport vehicles.

At bilang pagtulong sa mga kapulisan na pumuprotekta sa atin at nagbibigay ng serbisyo 24/7 dito sa National Capital Region (NCR) ay namahagi rin ang ahensiya ng food packs. Inaanyayahan ni Garma na sumunod sa mga batas at guidelines na inisyu ng IATF gaya ng pagpapanatili sa bahay para hindi na kumalat pa ang virus na ito.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page