World Football Supertar Messi nag-donate ng $1-M tulong sa COVID-19
- A. Servinio
- Mar 25, 2020
- 1 min read

Nagkaloob ng donasyong $1-M si world football superstar Barcelona team Lionel Messi maging si Manchester City manager Pep Guardiola bilang tulong sa mga apektado ng coronavirus.
Aniya sa kanyang Twitter account, ipinaabot ni Guardiola ang kanyang donasyon sa Barcelona Medical College upang magamit na pambili ng medical supplies para sa ginagamot na mga pasyente ng COVID-19 sa Espanya. Si Guardiola ay tubong Catalan at dating Barcelona coach.
Hinati naman ang donasyon ni Messi para sa Barcelona Hospital clinic at sa bayan niya sa Argentina, ayon sa pahayagan ng Spain na AS.
Bahagi ng kanyang donasyon ay para sa pag-research ng gamot sa COVID-19. Matinding tinamaan ng pandemic ang Spain kung saan ay 2,600 ang namatay dahil sa virus.





Comments