top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Russian, lider na, pero iba pang GM's hindi maka-concentrate sa takot sa COVID-19

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Mar 24, 2020
  • 2 min read

Unti-unti nang umaalagwa ang pambato ng punong-abala na si Grandmaster Ian Nepomniachtchi habang halata pa rin ang nerbiyos ng ilang mga kalahok pagkatapos ng anim na rounds ng International Chess Federation (FIDE) Candidates 2020 habang idinaraos sa Yekaterinburg, Russia dahil sama-sama sila sa isang torneo sa gitna ng pandaigdigang banta ng coronavirus o COVID-19.

Mayroon nang 4.5 puntos ang Ruso at ito ay isang buong puntos ang agwat sa pumapangalawang si Maxime Vachiere Lagrave ng France at malinaw na 1.5 puntos ang layo sa apat na kataong pangatlong pulutong na binubuo nina topseed at Italian-American GM Fabiano Caruana, GM Anish Giri ng Netherlands, Chinese GM Wang Hao at ang kababayan ni Nepomniachtchi na si GM Alexander Grischuk.

Sa round 6, masama na ang pakiramdam ni Nepomniachtchi at naghahanap lang ito ng mabilis na hatian ng puntos laban kay world no. 3 GM Ding Liren ng China. Sa halip ay naitakas nito ang isang buong puntos kontra sa Intsik. Dahil dito, lalong napalapit ang Ruso sa paghablot ng karapatang makaharap si GM Magnus Carlsen para malaman kung sino ang susunod na world chess champion. Umakyat na rin sa pang-apat na puwesto si Nepomniachtchi sa world ranking kung pagbabasehan ang liver chess rating nitong 2788.9 at mahigit apat na puntos na lang sa likod ni Liren (2793.0). Si Liren ngayon ay nangungulelat na sa kompetisyon taglay ang rekord na 2.0 puntos kasama si GM Kirill Alekseenko ng Russia.

Samantala, sinabi ni Judith Polgar, ang pinakamalakas na lady chess player sa kasaysayan, na lubhang mahirap para sa mga kalahok ang sitwasyon dahil sa kailangan nilang mag-concentrate sa kanilang mga laro, resulta sa torneo dahil nahahati rin ang kanilang isipan sa kanilang kalusugan dahil sa banta ng deadly virus.

Sang-ayon ang ilang kalahok sa sinabi ni Polgar. Ayon kay Wang, naniniwala siya na hindi dapat natuloy ang kompetisyon. Ganito rin ang naging pahayag ng isang warrior sa Candidates. Sabi ni Grischuk, "My form is terrible. I don't want to play at all with this situation. The whole atmosphere is very hostile. Everyone is with masks, also more security and so on." Sabi naman ng kabadong si Caruana, “I am not sure I have anywhere to return to after this tournament. I might be stranded somewhere and I am not exactly sure where.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page