top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Todo-trabaho para sa ibang tao kaya napabayaan ang sariling kalusugan

  • Socrates Magnus
  • Mar 22, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Vangie ng Balagtas, Bulacan.

Dear Professor,

Isa akong barangay health worker at ngayon ay busy kami sa pagte-text kung may lagnat ang mga ka-barangay namin.

Napanaginipan ko na ako mismo ang may lagnat. Bigla akong nagising at bumangon nang mapanaginipan ko ‘to. Ano ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?

Naghihintay,

Vangie

Sa iyo Vangie,

Naku, iha, nakakanerbiyos naman ang panaginip mo. Siguro, kahit sino ang makapanaginip ng ganyan ay tiyak na matatakot. Ayon sa mga eksperto, wala pang gamot sa COVID-19 kaya may maririnig tayong payo na ang pagkain ng saging ay hindi gamot sa sakit na ito.

Minsan nga, may nagsasabi na dahil wala pang gamot sa coronavirus, wala ring silbi ang paggamit o pagsusuot ng facemask. Nakatutuwa ang mga ganu’ng salita dahil para bang ibig sabihin ay huwag na tayong lumabas ng bahay, as in, maghintay na lang tayo sa bahay hanggang mamatay tayo dahil walang gamot sa COVID-19.

Kung susundan natin ang ganu’ng argumento, hindi na natin kailangan ang paracetamol kasi sasabihin na naman ng mga nagdudunung-dunungan na ito ay hindi gamot sa COVID-19. Pero ang paracetamol gamot sa lagnat kaya kapag may lagnat, dapat lang na uminom nito. Hindi man gamot ang saging sa COVID-19, ito ay nakatutulong para lumakas ang ating immune system.

Pero alam mo, ang isa sa mga sintomas ng COVID-19 ay ang masakit ang lalamunan na para bang ito ay may kung anong nararamdaman.

Gayunman, Vangie, kahit sino ay nakaaalam na kapag may tinik ang lalamunan o may nakabara rito, ang agarang payo ay kumain ng saging. Alam kaya ito ng nagsasabing ang saging ay hindi gamot sa COVID-19?

Kapag nilunok ang saging, sabi ng lola kao, matatangay nito ang mga bakterya na nasa lalamunan, gayundin, kahit ang tinik ay matatanggal kapag kumain tayo ng saging. ‘Yan mismo ang kaalaman na ipinamana sa amin ng aming lola na albularyo at napagkakamalan ng mga kapitbahay namin na isa ring mangkukulam.

Ang lola namin ay 89-anyos nang pumanaw, pero ang mga kaalaman na itinuro niya samin ay isinasabuhay namin hanggang ngayon. Marunong din siyang mag-analisa ng panaginip at kung siya ang ating tatanungin, sasabhin niya sa iyo na kaya mo napanaginipan ang iyong nasabing panaginip ay dahil sa mga araw na ito, napapabayaan mo na ang iyong sarili.

Dahil dito, pahinga ang iyong kailangan, gayundin, kumain ka nang kumain at hindi maganda para sa iyo na maging abala sa mga gawaing para sa ibang tao.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page