top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Superstar, ikinumpara sa COVID-19... Resbak ni Nora kay Lolit: ipagpe-pray na lang kita

  • Mercy Lejarde
  • Mar 21, 2020
  • 4 min read

Nora, wish na gumaling si Boyet sa COVID-19

“Bok” ang tawagan namin ni Superstar Nora Aunor. Nag-text siya kay yours truly at nagpaalala na mag-ingat lagi (re: Corona ‘veerus’) at huwag daw munang lalabas ng bahay. Thanks for the concern, Bok!

Nag-text back si yours truly kung ano’ng mase-say niya sa patama joke sa kanya ni Donya Lolit Solis na halos lahat ng Noranians ay nag-react sa socmed laban sa veteran showbiz columnist.

For the info ng mga ‘di nakabasa sa sinabi ni Donya Lolit, nag-joke kasi itong malalampasan din daw ni Papa Bo ang COVID-19 dahil kung ang Superstar nga raw ay kinaya niya.

Instead na si Bok or Ate Guy to many ang sumagot ay ipina-forward na lang niya kay Flavor katotong Rodel Fernando (flavor of the month ang biruang tawag namin with no inggit on the side kasi nakakatakas kami to be with da ones na nagmamay-ari ng aming puso at pitaka, hehehe, during those days, sa true lang, sa mga katotong tambay sa Valencia days ni Ate Guy at lagi nitong nakakasama noon here, there and everywhere lalo na abroad. Si yours truly, ‘di nila mahagilap ‘pag usapang abroad na ‘coz syokot sumakay sa plane at busy sa kaliwa’t kanang pag-ibig, charrr! Insert smiley, J!) ang kanyang saloobin and here it goes…

“Ang masasabi ko lang, ay alam ko na may pinagsamahan kami ni Lolit Solis noong araw lalo na noong nakatira pa ako sa Valencia. Isa siya sa mga taong naging malapit sa puso ko at pinagkatiwalaan noong araw.

“Sabagay, matagal na nga naman ‘yun… Valencia days pa. Maaaring hindi na maalala ni Lolit Solis ‘yun. Pero bakit ‘yung ibang naging kaibigan ko noon sa press na nabubuhay pa hanggang ngayon at naging malapit sa akin, hindi nakakalimot kung ano’ng pinagsamahan namin noong araw? Baka ‘di na niya maalala.

“Marami pa akong dapat ikuwento tungkol sa napakagandang naging samahan namin ni Lolit Solis pero hayaan na lang natin siya.

“Nakakalungkot lang isipin na si Lolit Solis pa na mula noon, hanggang ngayon ay hindi nawala ang RESPETO ko. Minahal ko siya tulad ng iba pang mga reporters na naging malapit sa akin noong araw hanggang ngayon.

“Minahal ko ang isang Lolit Solis bilang isang tunay na kaibigan.

“Para kay Lolit Solis… ano nga ba ang tawag ko sa iyo noon? Lolit, Ate Lolit, Bok o kung ano man… kung nakalimutan mo na ang mga pinagsamahan natin noong araw, ako hindi. Kailanman, hindi ko ito maaaring kalimutan.

“Hindi mawawala ang respeto ko sa iyo hanggang ngayon bilang isang naging totoo kong kaibigan.

“Ipapanalangin ko pa rin sa Itaas na sana ay maging ligtas ka sa araw-araw. Patuloy ka nawang ingatan ng ating PANGINOON sa lahat ng mga ginagawa mong patuloy na pagtulong hindi lamang sa iyong pamilya kundi sa mga artistang mina-manage mo.

“Subaybayan ka nawa lagi sa mga ginagawa mong pagtulong sa mga taong nangangailangan lalo na sa panahong ito.

“Hangad ko rin ang paggaling ng alaga mong si Papa Boyet. PRAYERS para sa kanyang kaligtasan, ganoon din sa iyo dahil mahal ko kayo at siyempre sa kaligtasan ng lahat ngayong may krisis tayong pinagdaraanan.

“Please keep safe po.”

Si Donya Lolit Solis naman (to be fair on both sides) ay nagbigay na rin ng kanyang opinion sa kolum niya sa PSN kahapon (March 20), regarding sa mga Noranians na nag-react sa kani-kanilang socmed account at aniya: “Bashing walang panahon sa virus ngayon…

“Nang may nagsabi sa akin na bina-bash ako ng mga Noranians at sumali pa ang isang laos na boldstar, parang gusto ko lang matawa.

“Sa panahon ngayon na ang daming problema sa buhay at pati ng ating bansa, to find time para mam-bash o kaya magsalita ng hindi maganda, wow, at least meron kang sobrang oras. Hahaha. I will not explain or give a reason du’n sa isinulat ko dahil sabi nga ‘di ba, don’t get mad, if you cannot forgive, ignore.

“Naku, sa oras na ito na hindi mo alam what will happen tomorrow, bashing pa ang haharapin mo.

“Enjoy it, at least nabigyan ko kayo ng chance mailabas pent up emotion n’yo at kahit paano, nalimutan n’yo ang COVID-19.

“Payo ko lang sa laos na bold star, wala nang halaga ang opinyon mo, save it to yourself. You’re nothing but a has been bold star, period.”

Uhurmmm, from Superstar to laos na bold star? Mag-react naman kaya itong huli?

Well, abangan na lang po natin kesa naman si COVID-19 ang abangan, ‘noh!

‘Yun lang and I thank you.

♥♥♥

Kasuwerte naman ng Dear Uge host na si Eugene Domingo dahil pagkatapos ni John Estrada, ang guwapong si Jay Manalo naman ang bago niyang leading man sa episode ng comedy anthology series na umeere tuwing Linggo sa GMA-7 sa episode na Mr. DJ bukas (March 22).

Maiinlab ang DJ na si Sanya sa lalaking may anak na pala. Ano'ng gagawin niya ‘pag natuklasan ito? Ipagpapatuloy pa rin ba ang kanilang relasyon o hindi na?

Tutukan sa Dear Uge sa GMA-7 ngayong Linggo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page