Kriminalidad, bumaba dahil sa coronavirus
- Ka Ambo
- Mar 20, 2020
- 1 min read
Total lockdown ngayon.
Buong mundo ay tuliro.
For the record!
◘◘◘
SA North Korea, binabaril ang mga nilalagnat — tila diskarte laban sa African Swine Fever (ASF).
SA Italy, hindi na ginagamot ang mga liyebo otsenta.
Pinanonood na lang sila habang nilalamon ng virus!
◘◘◘
AYON sa mga beteranong mangingisda, ang mga survivors sa lumubog na barko ay agad pinapapak ng mga pusit habang naghihingalo sa gitna ng dagat.
Alam ng pusit kung sinu-sino ang malapit nang maging bangkay!
◘◘◘
SA COVID-19 scare, prayoridad ng virus ang mga senior citizens!
Ito ay dahil “malapit na silang ma-expired”!
◘◘◘
KUSANG maglalaho ang virus matapos ang incubation period.
Matapos mag-peak ay magsa-subside ito.
Namamatay ang mga biktima dahil mahina ang immune system na tinatalo ng mga sintomas!
◘◘◘
DAPAT mahigpit na ipatupad ang self-quarantine.
Pati ang holdaper, hindi makakaalis ng bahay!
◘◘◘
ITINIGIL na ang Oplan Tokhang.
Naka-quarantine kasi ang mga pusher at drug lords!
◘◘◘
Mababa ang kriminalidad ngayon.
Natatakot din sa virus ang mga kriminal!
◘◘◘
NAGDARASAL ang mga “digitally.”
Kapag sinagot ni Lord ang kanilang dasal ay “digital” din!


Comments