Pag-IBIG Fund, nag-aalok ng three-month moratorium sa kanilang mga miyembro
- Thea Janica Teh
- Mar 19, 2020
- 1 min read
Bulgarific
Hello, Bulgarians! Dahil sa pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon ay minabuti ng Pag-IBIG Fund na mag-alok ng three-month moratorium sa lahat ng loan sa kanilang mga miyembro.
“Lubos na sinusuportahan ng Pag-IBIG Fund ang pahayag ni Pangulong Duterte tungkol sa kumakalat na coronavirus sa ating bansa. Kaya naman, agad itong pinag-usapan ng ating Board of Trustees at agarang inaksiyunan. Makatutulong ang three-month moratorium para mas mapaglaanan nila ang mga basic necessity at kalusugan ng kanilang pamilya”, sabi ni Pag-IBIG Fund Chairman and Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo D. del Rosario.
Ang maaaring i-apply sa programang ito ang mga loan tulad ng Housing Loan, Multi-Purpose Loan at Calamity Loan na may due date na March 16, 2020 hanggang June 15, 2020. Sa ngayon, tanging ang mga taga-Luzon lamang ang maaaring maka-avail sa alok na ito.
“Mandato ng ahensiya na makapagbigay ng seguridad sa kanilang mga miyembro tulad ng pagbibigay nito ng sariling tahanan at oportunidad na makapag-ipon para sa kanilang kinabukasan. Kaya naman, sa ganitong sitwasyon, ipinagpapatuloy natin ang pagbibigay ng “tapat na serbisyo, mula sa puso”. Prioridad natin ang pangangailangan ng ating mga miyembro kaya gagawin natin ang lahat matugunan lang ang kanilang mga kailangan,” bahagi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti.
Magsisimulang tumanggap ang ahensiya ng aplikasyon kapag natapos na ang community quarantine. Maaaring magpasa ang mga miyembro sa pinakamalapit na Pag-IBIG Fund branch hanggang June 15, 2020.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments