top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PCSO, nagdagdag ng pondo sa malasakit centers kontra COVID-19

  • Thea Janica Teh
  • Mar 18, 2020
  • 1 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Dinagdagan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang ayudang pinansiyal na ibinibigay nito sa Malasakit Center sa 6 na ospital ng gobyerno bilang suporta sa mga itinalagang programa ng pamahalaan para pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Inaprubahan ni PCSO General Manager Royina M. Garma ang pang-araw-araw na tulong- pinansiyal para sa Malasakit Centers sa mga sumusunod na ospital: Lung Center (P1 milyon); Philippine Children’s Medical Center (P400,000); Rizal Medical Center (P400,000) at Taguig Pateros District Hospital (P400,000).

Sinabi ni Garma na ang pagtakda ng arawang pondo ay magbibigay ng kaukulang kakayahan sa nabanggit na center na magkaloob ng medical assistance sa mas maraming pasyente, lalo ngayon na mas malawak na ang naaabot ng COVID-19.

Layunin ng Malasakit Center na makapagbigay ng ayudang medikal at pinansiyal sa mga pasyenteng ginagamot sa mga government hospital. Mula nang maitatag ang Malasakit Center ay hindi na mabilang ang kahilingan para sa suportang medikal at pinansiyal kung saan karamihan sa mga dumulog ay mula sa kategoryang “indigent” o mahihirap.

Bahagi ng mandato ng ahensiya na magbigay ng medical assistance sa mga kababayan. “Ito ang aming pangunahing tungkulin, ang lumikom ng dagdag na pondo para sa pangangailangang medikal ng mga Filipino. Hindi tayo magpapatinag sa mga pagsubok at patuloy na tutugunan ang medical assistance na dapat ibigay sa ating mga kababayan”, pahayag pa ni Garma.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page