top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

‘Pagsasara’ ng karerahan pipigilan ng Marho

  • Ding Taboy
  • Mar 18, 2020
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

Hinikayat ni Horse Owner Sandy Javier ang iba pang horse owner na tumulong na huwag matuloy ang pagsasara ng isang karerahan at tumulong na mapalakas ang race track sa bansa.

Ayon kay Javier, kailangan na kumilos para pigilan ang pagsasara ng karerahan at tulungan ang pagbagsak ng industriya sa patuloy na paghina ng benta sa takilya.

Labis na idinaraing ngayon ng mga horse owner ang mahinang nakukuhang premyo ng bawat kabayo.

Apektado ang mga horse owner sa pagtaas ng buwis na binabayaran bukod sa patuloy na pagtaas ng gamot at vitamins ng mga kabayong mananakbo.

Kaya maraming mga horse owner ang nangangayaw ngayon sa industriya ng karera dahil sa maliit na kinikita ng bawat kabayo idagdag pa ang mahal na gastusin ng bitamina at gamot ng mga kabayo.

Sinabi pa ni Javier na panahon na para magkaisa ang mga horse owner na ibangon ang pagbagsak ng karerahan.

Si Javier ang itinanghal ng Horse Owner of the Year ng 2019 ng Marho at nagsabing hindi siya papayag na may magsarang karerahan sa bansa.

Patuloy na pinag-uusapan ang kinakaharap na problema at ang napipintong ‘pagsasara’ ng isang karerahan.

Ang tanong..sino sa mga karerahan ang magsasara? Ang Santa Ana Saddle and Club sa Naic, Cavite? O ang San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite? Abangan mga bayan kong karerista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page