top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

May mental problem nga… Ellen, masaya noon sa mga piktyur, bagong drama at pasabog ngayong 'di n

  • Erlinda Rapadas
  • Mar 17, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Naiintriga kami sa bagong drama at pasabog ng sexy star na si Ellen Adarna. Diumano, nag-undergo siya ng one-on-one mental training for 14 days sa Bali, Indonesia. One week siyang isolated, walang cellphone, walang contact with the outside world. Fourteen days siyang vegetarian diet.

Sa panahon ng kanyang mental training, ang tumatayong mentor niya ang nagdo-document ng mga exercises na ipinagawa sa kanya. Isa na rito ang pagtayo niya nang limang oras sa isang sulok.

Sa pahayag ni Ellen, kaya siya nag-undergo ng mental training ay dahil “stuck” siya sa isang blackhole for almost three years. ‘Yun daw ang panahon na nakaranas siya ng depression.

Pero, kung babalikan ang sinasabi niyang 3 years in blackhole, ito ang panahon ng pakikipagrelasyon niya kay John Lloyd Cruz at pagkakaroon nila ng anak.

At that time, sobrang saya ng buhay na ipino-post ni Ellen sa social media dahil sobra silang in love sa isa’t isa ni Lloydie lalo na noong siya ay magbuntis at isilang na ang kanilang anak.

Papaano makakaranas ng depression si Ellen sa panahong ‘yun? Sinasabi ba ni Ellen na isang malaking kamalian ang pakikipagrelasyon niya kay John Lloyd at pagkakaroon nila ng anak? Baka nga may mental problem siya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page