top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Takot at tumuloy sa kuwarto, senyales na natatakot sa COVID-19 at magulong love life

  • Socrates Magnus
  • Mar 17, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Totskie na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor, Sa panaginip ko, nagmamadali akong pumasok sa bahay namin, tapos tuluy-tuloy ako sa silid ko at natatakot ako. Hindi ko naman alam kung ano ‘yun basta natatakot ako. Tapos, pumasok ‘yung mama ko at sinabi na kumain na ako dahil alam niyang hindi pa ako kumakain. Noon kasi, pagdating ko sa bahay ay tumutuloy ako sa kusina para kumain. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay, Totskie

Sa iyo Totskie, Baka COVID-19 ang kinatatakutan mo dahil ngayon, napakaraming tao na nagmamadaling pumasok sa bahay kapag galing sa labas dahil takot sila na magkasakit o mahawahan ng nasabing sakit.

Ang payo ay huwag kang lumabas ng bahay kung wala namang sapat na dahilan, kumbaga, mas safe kapag nasa bahay lang dahil sure na hindi ka mahahawahan ng virus.

Sa labas, walang katiyakan na ang pupuntahan ay hindi napuntahan ng may COVID -19. Wala ring katiyakan na ang mga bagay na hindi sinasadyang nahawakan ay hindi nahawakan ng may virus.

Kaya nga ang panahon ngayon ay tinatawag na “panahon ng kawalang-katiyakan” na kung ibabase sa nakasulat sa Banal na Aklat ay “panahon ng pagkabagabag”. Ang pagkabagabag ay ang senaryo kung saan ang mga tao ay ninenerbiyos dahil sa takot na ang kinatatakutan ay masasabing “unknown” o hindi tiyak.

Ang panaginip ay magkahalong takot sa virus at sa magulong sitwasyon mo na maaaring nasa love life mo. Ang huli ay nakakapit sa napanaginipan mong pumasok ka sa silid.

Ang silid sa mundo ng panaginip ay ang sarili ng tao na siyang tinatawag na malalim na kamalayan kung saan kapag ang tao ay problemado, lalo na ng personal na mga suliranin, kusa siyang nakikipag-ugnayan sa kanyang malalim na kamalayan.

Dahil sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang sariling malalim na kamalayan, siya ay nakadarama ng ligaya, isang ligayang hindi nakukuha mula sa ligayang kaloob ng mga materyal na bagay.

Madalas, ang mabigat na suliranin ay ang sa love life na nagbibigay ng dusa at hirap sa taong na-in love. Ang maganda sa mga taong hindi sinasadyang nakaniig ang malalim na kamalayan ay ang mahimalang malulutas ang kanilang problema.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page