Sobrang inlab sa BF, walang magawa… Andrea, tinanggap na lang ang mga kahati kay Derek
- Nitz Miralles
- Mar 16, 2020
- 1 min read

Nitz Miralles / Bida
May paalala si Derek Ramsay sa mga nagrereklamo sa community quarantine dahil mabo-bored daw sila kapag nasa bahay lang. Ayan, may post si Derek na sana, namnamin ng mga nagrereklamo riyan.
“To those who are complaining about the quarantine period and curfews, just remember that your grandparents were called toward; you are being called to sit on the couch and watch Netflix. You can do this.”
Actually, ang daming puwedeng gawin habang nasa bahay ka lang, ayaw n’yo lang mag-isip.
Pinakamaganda, tumulong kayo sa mga gawaing bahay o kaya ay magbasa ng libro o sundin ang payo ni President Rodrigo Duterte na ikutin mo ang bahay n’yo dahil baka may parte pang hindi mo naiikot.
Anyway, ‘kaaliw ang lie detector test nina Derek at Andrea, puro tawa si Andrea at puro reklamo si Derek.
Sa tanong ni Andrea kung ano ang pipiliin ni Derek between her and golf, “Ikaw” ang sagot ni Derek, pero nakiusap na payagan siya ni Andrea na mag-golf. Makakatanggi pa ba si Andrea kung boyfriend na mahal na mahal mo na ang nakikiusap?
Saka, isinasama rin naman minsan ni Derek si Andrea sa paglalaro ng golf at tinuturuan.
Pansin nga namin, naging sporty si Andrea mula nang maging dyowa si Derek dahil hindi lang golf ang sinusubukan niya, pati Frisbee, dahil alam niyang mahal din ni Derek ang game na ito.





Comments