Kapitana, wa' paki kahit sabihang suplada… Angelika, may 'no touch' policy sa mga kabara
- Nitz Miralles
- Mar 16, 2020
- 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files
Keber ni Angelika dela Cruz kung mapagsabihan siyang suplada.
Aside sa pag-aartista ay public servant ang Kapuso actress. Kapitana siya sa kanilang barangay sa Malabon City.
Bilang kapitana, hindi maiiwasang mag-ikot ni Angelika sa kanyang mga nasasakupan para tingnan kung nasa ayos ang lahat, lalo na’t ang mga barangay chairman o chairwoman ang namumuno para sa community quarantine ng kani-kanilang barangay.
Sobra ang pag-iingat ni Angelika sa kanyang sarili kapag may dumudulog sa kanyang tanggapan. Kailangan daw ang lahat ay dumaan sa temperature check, naka-mask at nakapag-alcohol bago pumasok sa barangay office.
Sa ngayon ay iniiwasan muna ni Angelika ang pakikipagkamay at beso-beso sa mga dumudulog sa kanyang tanggapan.
Nami-misinterpret na nga raw siya ng mga tao dahil sa kanyang ‘no touch policy.’ Idinadaan na lang daw niya sa biro kapag may gustong makipagkamay o beso sa kanya.
Ang sinasabi raw niya, “Ooops, bawal, corona!”





Comments