Carryover sa pentafecta super six sa MMTCI

Dalawang carryover ang magaganap sa pag-alagwa ng pitong karera sa “Additional One Win in Group Races” sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas ngayong gabi.
Nakataya ang carryover na P24,275.79 sa Pentafecta at P46,284.99 sa Super Six na magaganap sa hiwalay na karera. Kasabay nito magaganap ang Winner Take All (WTA), Pick 6, 5 at Pick 4 kalakip ng Trifecta at Quartet. Sa Race 1, simula nang WTA ay nakalalamang ang Et Tu Brute makakalaban ang La Republika sa sigwada ng unang karera.
Sa Race 2, umpisa ng Pick 6, nakalalamang ang couple entry na True Religion at Smiling Lady at makakalaban ang Exelero, Lion Gate at Takdang Panahon.
Sa Race 3, simula ng Pick 5 at nakalalamang ang couple entry na My Way at Union Run at makakalaban ang Jacqueline at Believe Me. Sa Race 4, magaganap ang carryover sa Pentafecta na halagang P24,275.79 pinapaboran ang mga kalahok na WoodRidge, Tatak Primero, Fly Like An Eagle at Beyond D’ Sea.
Sa Race 5, ipinapatok ang couple entry na Prince Jolo at Blue Label laban sa mga kalahok na Batang Rosario, Beastmode at Star of Nasi. Sa Race 6, nakalalamang ang Prime Time Magic habang makakalaban ang One Fifteen, Red White and Blue at Divine Success.
Sa Race 7, magaganap ang carryover sa Super Six at nakalalamang ang Caloocan Zap, makakalaban ang Johnny Be Good, Jawo at Summer Cruise. WTA=1-2/1-7/1-2/1-2-7-8/2-1-6/1/2-3-6-7; Pick 6= 1-7/1-2/1-2-7-8/2-1-6/1/2-3-6-7; Pick 5= 1-2/1-2-7-8/2-1-6/1/2-3-6-7; Pick 4= 1-2-7-8/2-1-6/1/2-3-6-7.





Comments