top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Branded bags, shoes, alahas, etc., next na ididispley… Jinkee, idinispley ang mansiyon sa GenSan

Janice DS Navida
Mar 8, 2020
2 min read

Usong-uso na talaga ngayon ang vlog at halos lahat na yata ng celebrities natin ay may personal vlog.

Napanood namin ‘yung latest vlog ni Jinkee Pacquiao kung saan nag-house tour siya sa kanilang mansiyon sa GenSan.

Interesting to know na ang hilig ng misis ni Sen. Manny Pacquiao ay mag-collect ng photos ng kanilang pamilya as souvenir kaya ‘yung living room nila ay puno ng photo frames at extended pa hanggang sa kanilang entertainment room.

Expected na naming elegant ang bahay ng mga Pacquiao dahil super rich naman talaga sila, pero nakaka-wow pa rin ‘yung may sarili silang basketball court (take note, hindi ito half court o ‘yung covered court lang, ha?) sa bahay dahil basketball nga ang hobby ni Sen. Manny at ng kanilang mga anak.

Sa next episode pa ng vlog ni Jinkee ipapakita ang kanilang master’s bedroom, ang kids’ room at walk-in closet ni Mrs. Pacquiao. Tiyak na ngayon pa lang, marami nang abangers d’yan dahil knowing Jinkee na puro branded na ang mga gamit ngayon, gusto siyempreng makita ng mga fans ang kanyang bonggang collection ng damit, bags, shoes at alahas.

Well, nakakatuwa namang hindi ipinagdadamot ni Jinkee sa kanyang mga fans kung anumang yaman meron sila ngayon ni Sen. Manny. Medyo nagwo-worry lang kami para sa safety ng kanilang pamilya lalo na pagkatapos ng nangyari kay Kim Chiu na in-ambush ang van, although wala naman ‘yung anggulong gustong i-kidnap o nakawan si Chinita Princess.

Siyempre, sa panahon ngayon, kung ‘yun ngang mga hindi naman nagdidispley ng kanilang yaman ay pinagpaplanuhan na ng masasamang-loob, devah, what more ‘yung ibinabalandra pa ng mga celebrities ang kanilang bahay sa socmed, eh, di lalo nang natakam ang mga magnanakaw.

Kunsabagay, kung naka-afford namang magkaroon ng mansiyon ang mga Pacquiao, for sure ay yakang-yaka rin nilang magbayad ng mga (yes, ‘di lang isa, Mommy Divine Geronimo, char!) BODYGUARDS! Check!!!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page