top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ex-Chairman, patay sa NPA

  • Pabs Hernandez III
  • Mar 7, 2020
  • 1 min read

Ifugao — Pinagbabaril at napatay ang isang dating barangay chairman ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Bgy. Tukucan, Tinoc.

Kinilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si ex-Chairman Joseph Calabson, nakatira sa naturang barangay.

Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanilang bahay si Calabson ay biglang pumasok ang mga NPA at agad pinagbabaril ang biktima.

Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga rebelde.

Tinutugis na ngayon ng tropa ng pamahalaan ang mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page