Drug pusher, patay sa buy-bust
- Pabs Hernandez III
- Mar 7, 2020
- 1 min read
Sultan Kudarat—Patay ang isang drug pusher nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Poblacion 3, Lebak.
Kinilala ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala na si Johari Kadil, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation si Kadil, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.
Nakarekober ang pulisya ng kalibre .45 pistola at siyam na sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.





Comments