Wais na TV host, disappointed… Raffy Tulfo, mukhang ginamit lang ng bodyguard ni Sarah para magkape
- Erlinda Rapadas
- Mar 6, 2020
- 1 min read
Teka Nga

Photo: Raffy Tulfo in Action
May paglilinaw na inilabas ang Viva Artists Agency na ang ibinigay nilang P200,000 sa bodyguard ni Sarah Geronimo na si Jerry Tamara ay hindi areglo kundi tulong-pinansiyal lang.
Unang nag-demand ng P1.5 M si Tamara upang hindi na siya magsampa ng demanda laban kay Matteo Guidicelli na mister ni Sarah. Dumulog pa si Tamara sa radio show ni Raffy Tulfo upang ireklamo ang pananakit sa kanya ni Matteo.
Ang Viva big boss na si Boss Vic del Rosario ang humarap kina Tamara at Tulfo upang maayos na mapag-usapan ang lahat. Ang halagang P1.5 M ay bumaba nang bumaba hanggang P200,000 at ang gusto pa ni Tamara ay magharap sila ni Matteo at magkamayan pero televised sa show ni Raffy. Pero siyempre, hindi puwede dahil nasa ibang network si Matteo.
Todo-ambisyon naman itong si Jerry na feeling VIP siya at may mga demands pa. Tuloy, disappointed sa kanya ang broadcaster na si Raffy dahil mukhang ginamit lang siya ni Tamara upang sumikat at mapag-usapan, at the end, tatanggapin din pala ang P200,000 na offer ni Boss Vic.
Matatalinong tao sina Boss Vic at Raffy, hindi niya basta mauutakan ang mga ito na sanay na sa mga kalakaran sa showbiz.





Comments