Wa' paki kahit i-bash nang i-bash, suportado ni Gabby… KC, todo-bilad ng katawan sa socmed

Viral ngayon ang pag-aura ni KC Concepcion sa Boracay in different swimsuits and beach attire. Siyempre, pinagpipistahan ng mga netizens ang kanyang katawan na ang iba’y namba-bash sa kanya at ang iba’y pumupuri.
Komento ng isang netizen, “Too much skin for the past days. Those imperfection... ah, it doesn’t matter because you’re still beautiful.”
Pero mukhang wala namang pakialam si KC sa mga namba-bash sa kanya at sige pa rin siya sa kapo-pose.
Kahapon, may hugot post si KC na iba raw talaga kapag nasa beach dahil dito mo maiisip ang mga nangyayari sa buhay mo.
“Bakit ganu’n, ‘pag nasa beach, mapapaisip ka talaga ng malalim... Ano ang mga nangyayari sa buhay mo, saan ka thankful, saan ka magpe-pray ng mas matindi pa, ano ‘yung mga naging good, naging bad, mga memories, lahat na...
“Kaya sabi nila maganda talaga ang mag-spend ng time sa beach! Nakaka-heal, nakakaganda. Ito talaga ang the land of maraming hugot: FEELippines!!!” ang caption ni KC in her super-hot photo na labas ang cleavage at legs habang nakabilad sa araw by the beach.
Ever supportive naman ang kanyang amang si Gabby Concepcion na nag-like sa kanyang post.
In fairness to KC, ito talaga ang masasabing “enjoying her life to the fullest.” Talagang ini-enjoy niya ang kanyang pagiging dalaga, doing what she wants. Unlike others at her age na kailangang mag-work nang mag-work dahil mayroong responsibilidad sa pamilya.
Kumbaga, si KC talaga ‘yung literal na “nagsawa sa kanyang pagkadalaga” at maganda rin naman ito dahil kapag lumagay siya sa tahimik, at least ay nagawa na niya ang lahat ng gusto niya.






Comments