top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Tamang diskarte para masuplayan ng tubig ang lahat kahit may krisis

  • Thea Janica Teh
  • Mar 6, 2020
  • 2 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Idineklara ng Manila Water ang P5.5 bilyong kabuuang net income nito noong 2019, mas mababa nang 16% kumpara sa kinita nito noong 2018.

Inasahan na ito dahil na rin sa mga hamong kinaharap ng kumpanya noong nakaraang taon nang ang konsesyon nito sa east zone ay lubos na naapektuhan ng kakulangan sa supply ng tubig noong Marso. Nang bumaba nang husto ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam, bumagsak din ang lebel ng serbisyo sa tubig. Umabot sa pinakamababang lebel na 68.5 metro na lamang ang tubig sa La Mesa Dam noong Abril.

Para maayudahan naman ang mga kostumer na lubhang naapektuhan sa pagkawala ng tubig, nagpatupad ang Manila Water ng minsanang Bill Waiver Program. Noong Hulyo rin ng nakaraang taon, ibinaba naman ang alokasyon ng tubig para sa mga konsesyunaryo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa 35 cubic meters per second nang bumaba nang husto ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Upang mapagkasya ang limitadong supply ng tubig, nagpursige ang Manila Water na paghusayin pa ang sistema nito ng distribusyon tulad ng pagpapababa ng pressure ng tubig sa 7 pounds per square inch (psi) o aabot lamang sa unang palapag, para patuloy nitong mabigyan ang 7 milyong populasyon sa east zone ng ligtas, malinis at maaasahang supply ng tubig bilang serbisyo sa higit na 1.3 milyong kabahayang sinusuplayan ng higit 5,000 kilometrong network ng mga linya.

Pinagtibay din ng Manila Water ang pangako nitong makapagbigay ng hanggang 32% na coverage sa serbisyong pang-alkantarilya sa east zone sa pagtatapos ng 2021. Sa pagtatapos ng 2019, umabot na sa 30% ng east zone ang may sewer coverage, katumbas ito ng 2 milyong populasyong naseserbisyuhan ng halos 400 kilometrong sewer network. Malaking pagsulong na ito kumpara sa 3 porsiyentong sewer coverage lamang nang magsimulang magserbisyo ang Manila Water noong 1997.

Sa pagsasaalang-alang sa mga kadahilanang ito, tumaas nang 32% ang nagastos para sa east zone nitong 2019 na umabot sa P6.3 bilyon. Malaking bahagi nito ay ang P534 milyong penalty na ipinataw ng MWSS, kasama na rin ang nagastos para mapanumbalik ang maayos na serbisyo ng tubig. Sa pangkalahatan, ang net income ng east zone noong nakaraang taon ay nasa P5.1 bilyon, bumaba nang 22% mula noong 2018.

Paglalahad ni Rene Almendras, President at CEO ng Manila Water, bilang pasasalamat sa mga empleyado at kasangga, “Aming lubos na pinahahalagahan ang pagsisikap ng mga empleyado ng kumpanya, gayundin ang suporta ng aming mga kasangga at stakeholders, sa harap ng mabigat na hamong aming naranasan noong nakaraang taon.

Ang kanilang tiwala at dedikasyon ay patunay na pangunahin sa aming tinayaang gawain — ang mapaglingkuran ang aming mga customer maging sa kabila ng mga matitinding balakid, kung saan ang ilan ay higit pa sa saklaw ng aming kakayahan na aming kinahaharap.”

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page