top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Morado at Mejia, inangkin ang PSC chess crown

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Mar 6, 2020
  • 1 min read

Inangkin nina National Master Jeth Romy Morado at Woman FIDE Master Cherry Ann Mejia ang korona sa kani-kanyang grupo nang magsara ang 2020 Philippine Sports Commission (PSC) - National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Selection Chess Championships 2nd Quarter sa PACE, Project 6, Quezon City.

Pitong puntos mula sa limang panalo, apat na tabla at isang talo na kartada ang ginawang armas ni Morado pagkatapos ng 11 rounds ng tagisan ng husay sa boards upang daigin sina International Masters Ricardo De Guzman (2nd) at Jan Emmanuel Garcia (3rd) at untitled Israelito Rilloraza (4th) para sa unang puwesto. Pare-parehong nagsuko sina De Guzman, Garcia at Rilloraza ng tig-6.5 puntos at sa tiebreak output na lang nagkatalo para sa puwestuhan sa torneong nilapatan ng 90 minuto-30 segundong panuntunan. Kasama sa mga nakatikim ng pangangaldag ni Morado ay sina IM John Marvin Miciano (rating: 2346) at FM Alekhine Nouri (rating: 2216).

Kamakailan lang ay namayagpag din si Morado, may ELO rating na 2260, sa 75th Philippine National Chess Championships National Capital Region Elimination leg sa Pasay City. Sa kababaihan, nangolekta si Mejia (rating: 1972) ng 7.5 puntos para makaungos laban kina Woman International Master Bernadette Galas (rating: 2081) at WIM Marie Antoinette San Diego (rating: 2117) na kapwa nakaipon lang ng tig-pipitong puntos sa maigting na kumpetisyon. Si Galas ang naging segunda habang tumersera si San Diego.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page