Van, pinagbabaril… Kim, tuloy ang taping kahit na-trauma

Kaagad na dinamayan si Kim Chiu ng mga ABS-CBN bosses matapos paulanan ng bala ng “riding in tandem” ang van ng aktres kahapon ng umaga sa Katipunan Avenue, QC.
Nag-post ng mga larawan ang ABS-CBN news sa kanilang online site at social media account kung saan makikitang kausap ni Kim ang mga ABS-CBN bosses na sina
Integrated News and Current Affairs head Ging Reyes, Star Magic head Johnny Manahan, chairman Mark Lopez, COO of Broadcast Cory Vidanes, and president and CEO Carlo Katigbak.
“Bagama’t may trauma pa rin, ikinuwento ng Kapamilya actress na si Kim Chiu sa ABS-CBN executives ang nangyaring pamamaril sa kanyang van sa Katipunan Avenue,
Quezon City ngayong Miyerkules,” caption ng ABS-CBN news sa larawan.
Ang co-star naman ni Kim sa Love Thy Woman na si Sunshine Cruz ay nagpahayag ng pagkondena sa mga taong gumawa nito sa Chinita Princess at pasasalamat na rin na safe ang aktres na gumaganap na anak niya sa serye.
“Kim Chiu is one of the nicest celebrities I’ve worked with. Napakabait! Napakadali na talaga para sa mga masasamang tao ang manakit sa kapwa. Thank you Lord for protecting my anak (Kim/Jia). Sana ay mahuli ang mga walang pusong gumawa nito sa kanya...” tweet ni Sunshine.
Samantala, bukod sa nag-alala ang mga fans and netizens kay Kim, pinuri-puri rin nila ang aktres dahil sa pagiging professional nito na dumiretso pa rin sa taping matapos ang traumatic experience.





Comments