top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di na talaga ma-reach!.. Alden, may bagong mamahaling motor na, may red Ferrari pa

  • Nitz Miralles
  • Mar 5, 2020
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Natawa at nagtakip ng mukha si Alden Richards nang biruin ni Vic Sotto sa Eat... Bulaga! kahapon ng “Puwede bang sumakay?”

Ang tinutukoy ni Vic na sasakyan niya ay ang bagong red Ferrari car ni Alden na last Sunday lang sinimulang i-drive ng aktor (matagal na sigurong binili) at una niyang ginamit sa All-Out Sundays.

Mamahalin ang Ferrari sports car at binibiro na si Alden na masuwerte ang magiging girlfriend niya na kanyang isasakay dito. Nabanggit kasi ni Alden na may tina-target na siyang ligawan at malay natin, nagsisimula na siyang manligaw at magugulat na lang tayo, may ipinakikilala na siyang GF.

Naging controversial ang Ferrari ni Alden dahil may mga nag-react at nagsabing hindi niya dapat idini-display ang kanyang kayamanan. Katwiran naman ng mga fans ni Alden, dapat lang maging proud ang aktor kung galing sa katas ng kanyang pinagpaguran at pinagpuyatan ang ipinambibili niya. Saka, inuna naman ni Alden na ayusin ang pamumuhay ng kanyang pamilya, napagtapos ang kapatid at pumasok sa negosyo para pa rin sa pamilya niya.

Bukod sa Ferrari, may bagong motorcycle si Alden at top of the line gaming system set-up na siguradong very expensive. As for the car, hindi pa man siya sikat noon, nabanggit na niyang isang araw, magkakaroon siya ng Ferrari at natupad na nga ang matagal na niyang pangarap na sasakyan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page