top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

BFF, nakaaway sa panaginip, sign na dapat maging independent

Socrates Magnus
Mar 5, 2020
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Lyn na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor, Napanaginipan ko na nagkagalit kami ng bestfriend ko. Magkaklase kami at very close kami sa isa’t isa. Nagtataka ako dahil sobrang close namin, tapos sa panaginip ko, binigyan niya ako ng cupcake, pero ayaw ko kaya nagkagalit kami.

Iniwan niya ako, tapos sinabi ko na okey lang dahil kaya ko naman nang wala siya.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay, Lyn

Sa iyo Lyn, Maraming tao na malapit sa atin, tulad ng bestfriend mo, kaya lang, kahit sobrang malapit sila sa atin, sabi ng iyong panaginip, kailangang mabuhay tayo nang nag-iisa.

Tingnan mo, ang ating ina ang pinakamalapit sa atin, pero hindi puwede na hindi tayo mahihiwalay sa kanya. Kahit nga noong unang araw sa day care ng mga bata, kahit iyak nang iyak ang bata, kailangan niyang mahiwalay sa kanyang ina na naghatid sa kanya. Kumbaga, hindi puwede na dalawa sila sa classroom.

At napansin mo ba na habang tayo ay lumalaki, ang ating priority ay hindi na ang ating mother kundi ang ating pagiging malaya? Ito ay dahil muli, kailangan nating mabuhay mag-isa dahil sa ating pag-iisa, lumalakas tayo bilang tao. Samantala, kapag tayo ay may kasama, hihina tayo at kapag tayo ay mahina, mapabibilang tayo sa hanay ng mga bigo sa buhay.

Kapag naman tayo ay malakas, mas malaki ang tsansa na tayo ay magtagumpay sa ating buhay.

Ito ang kailangan mong maunawaan na hindi puwede na palaging nasa tabi natin ang mga taong malapit sa atin kahit pa siya ay ating bestfriend.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page