Sarah at Matteo, pinayuhan ng Songbird na mag-sex nang mag-sex ngayong kasal na… Hirit ni Ogie: Regi

Photo: @ogiealcasid
Sa presscon kahapon ng Kilabotitos concert nina Ogie Alcasid and Ian Veneracion ay nahingan ng reaksiyon ang una tungkol sa mga negative reactions ng mga tao sa naging payo ni Regine Velasquez sa mag-asawang Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli.
Matatandaang nang makapanayam si Regine recently ng ilang press at natanong kung ano ang maipapayo sa newlywed couple, sagot ni Asia’s Songbird ay mag-sex na lang daw nang mag-sex ang mga ito.
Isa sa mga nagbigay ng kanyang negatibong reaksiyon ay ang veteran broadsheet entertainment editor/columnist na si Ricky Lo at aniya ay “uncalled for” daw ang advice ni Regine.
Pagtatanggol ni Ogie sa kanyang asawa, wala naman daw intensiyong mambastos ang kanyang misis sa kahit kanino.
“My wife has a very strange sense of humor,” say ni Ogie sabay-tawa.
“She goes overboard, and that’s how she is, you know. She doesn’t mean anything disrespectful about things. If she has offended some, I’m sure in her heart, she’s very apologetic.
“But that’s not her objective – to offend anyone. It’s to, you know, make light of things because after all, when you’re married, you do married things, correct?
“So, it’s not something that’s binababoy or binabastos. It’s just she’s stressing a fact na when you are married, you do things that married couple do. So, I’m sure, hindi naman niya intensiyon mambastos,” dagdag pa ni Ogie.
Bilang beterano na sa mga pamba-bash dahil noon pa naman talaga’y, kahit ano’ng sabihin nila ni Regine ay parating may mga negatibong reaksiyon, sey ng comedian-singer-composer ay hindi naman daw sila naaapektuhan ng mga bashings.
“Kasi, bina-block ko ‘yung namba-bash, eh. So, hindi ko na nakikita. Parang why do I have to see those comments? I think, the reason why they bash is because they’re bashers,” natatawang sabi ni Ogie.
“That’s their job – to bash. So, it’s natural for them to find something to bash about.”
Samantala, ang Kilabotitos ang first concert together nina Ian and Ogie.
Ayon kay Ogie, nagsimulang mabuo ang collab concert nila ni Ian last year nang ipag-produce niya ng solo concert ang aktor called In Colors kung saan nag-guest pa sila ng asawang si Regine.
“And it was very, very successful. We enjoyed producing for Ian and nu’ng nag-guest ako, naramdaman ko that you know, well, first of all, we like the same songs and secondly we had this strange chemistry.
“So, sabi namin sa Ateam (Ogie’s production), why don’t we produce a collab concert with me and Ian?” sabi ni Ogie.
Ayon naman kay Ian, nang ipag-produce siya ni Ogie ng show last year ay sobrang honored and proud na niya lalo pa nga’t nag-guest ito sa kanya kasama si Regine. At ngayong magkasama na sila sa isang concert mismo na sila talagang dalawa ang headliners, siyempre, lalo siyang na-excite and na-flatter.
“I’m just happy na bago pa lang ako sa music industry and sila ‘yung talagang nandiyan na and they’re very supportive,” sabi ni Ian.
“It’s just so much fun kasi kahit sa mga brainstorming namin, in terms of our sense of humor or references, ‘yung mga songs that we enjoy listening to and we love playing, ang dami naming magkakasundo, pati sa kalokohan, mga kulitan.
“So it’s gonna be fun. I’m really excited for this,” dagdag pa ng aktor/singer.





Comments