Javier, itinanghal na House Owner of the Year
- Ding Taboy
- Mar 4, 2020
- 1 min read

Itinanghal na Horse Owner of the Year si Leonardo “Sandy” Javier Jr. sa katatapos na 2020 Metropolitan Association of Racehorse Owners (MARHO) awards na ginanap sa Diamond Hotel nitong Lunes ng gabi.
Kasabay nito kinuha ng Santa Clara Stockfarm ang MARHO Horse of the Year, MARHO Champion 3YO of the Year at Champion 2YO of the Year. Habang itinanghal naman na Stallion of the Year ang kabayo ni Hermie Esguerra.
Itinanghal na Horse Owner of the Year si Sandy Javier dahil sa pagmamay-ari ng mga magagaling, mahuhusay at kampeon na kabayo.
Nakuha naman ng SC Stockfarm mula sa kanyang kabayong Jay Z ang Horse of the Year matapos tanghaling Champion 3YO of the Year habang ang After Party na itinanghal na 2YO of the Year. Samantala, magaganap ngayong gabi ang Additional One Win 1 Group Races sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Sa Race 1 magsisimula ng karera sa ganap na 6:30 ng gabi, na umpisa ng Winner Take All (WTA) pinapaboran ang couple entry na Yes I Will at Deeper habang ang Irene’s Dream ang tatalo.
Sa Race 2, panimula ng Pick 6 nakalalamang ang Konzeelanz habang makakalaban ang Baling Rikit at Rocking Star, habang sa Race 3 simula ng Pick 5 ipinapatok ang Ready Set Go.
Magsisimula ang Pick 4 sa Race 4, ipinapatok ang Abel Iloko at sa Race 5 ay magkakalaban ang Rockaway, Jawo, Tenseventeen at Heat Resistant.
Habang nakalalamang ang Super Inday at makakalaban ang Precious Jewel sa Race 6 habang sa Race 7 ay magsisilbing paratingan ang mga kalahok na Sky Shot, Guest of Honor at couple entry na I Tell You at Major Ridge.





Comments