Iba na lang daw… Lorna, ayaw maging tulay para magkabati sina Coco at Robin
- Ronalyn Seminiano
- Mar 4, 2020
- 1 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Umaasa si Lorna Tolentino na magkakaayos din ang mga action stars na sina Coco Martin at Robin Padilla matapos ang pagkakaungkat ng isyung buhusan ng tubig sa set ng teleseryeng Ang Probinsyano.
Sey ni Lorna sa renewal of contract niya para sa Beautederm, “Lahat naman ng mga away-away ng artista sa showbiz, later on, nagkakaroon din ng pagbabati. Kasi iisa lang ang linya ng pagtatrabaho ninyo, so, magkakaintindihan din ‘yan. Sa ngayon siguro, hindi pa sila nagkakausap, pero magkakaintindihan sila eventually.”
Gusto rin ni Lorna na may tumayong peacemaker ng dalawang aktor.
Aniya, “Sana, merong tao na puwedeng pumagitna sa kanila para bumukas ‘yung isip nila at magkaintindihan. But that’s not me. Hahaha!”
Sigurado namang magiging maayos din ang lahat sa pagitan nina Robin at Coco. Let’s see na lang in the near future.





Comments