Duda sa gender ng mister dahil ayaw magpalambing at sobrang metikuloso

Dear Roma, Ako si Nedy, 22 years old at newlywed. Limang taon kami ng boyfriend ko bago kami nagpakasal. Magkasundo ang mga pamilya namin kaya walang problema sa partidos namin. Pareho kaming may magandang trabaho kaya may sarili kaming bahay na tinitirhan. Mahal ko ang asawa ko at alam kong mahal niya rin ako, kaya lang, ang ipinagtataka ko, hanggang ngayon ay wala pang nangyayari sa amin at hindi kami dumaan sa honeymoon stage. Nang magkasama na kami, may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Masyado siyang metikuloso sa bahay namin at gusto niya ay palaging malinis. Ewan ko, pero tuwing lalambingin ko siya ay umiiwas siya at sinasabing pagod siya. Nagdududa tuloy ako sa sexual preference niya. Ano ang gagawin ko? —Nedy
Nedy, Makikilala ang tunay na ugali ng tao kapag nakasama na sa iisang bubong. Sa tagal n’yong naging magkasintahan, meron pa rin talagang itinatagong sikreto ang bawat isa. Hindi nga pangkaraniwan na ang lalaki pa ang tumatanggi lalo kung babae na ang nagyayayang makipagtalik. Mas maganda sigurong kausapin mo siya nang masinsinan para mawala na ang pagdududa mo sa kanyang pagkatao at magkaalaman na. Ang inyong pagpapakasal ay nangangahulugan lang na gusto ninyong bumuo ng pamilya. Kaya anong silbi ng inyong pagsasama bilang mag-asawa kung hindi kayo magtatalik at bubuo ng anak? Basta anuman ang mangyari sa inyong pag-uusap, ang mahalaga ay malutas ninyo ang problema at mawala ang iyong alalahanin. Good luck!





Comments