top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pinoy booters, pang-13th place na sa Asian Club Rankings

Eddie M. Paez Jr.
Mar 3, 2020
1 min read

Kumakatok na ang booters ng Pilipinas sa piling listahan ng mga bansa sa Asya na matikas sa football base sa pinakahuling ranking na ipinalabas para sa Asian Football Confederation (AFC) Club Championships.

Umakyat na sa pang-13 baytang ang bansa matapos itong makakolekta ng kabuuang 32.13 puntos base sa nakalipas na apat na taong performance.

May naibulsa ang Pilipinas na 4.782 puntos noong 2019; 5.843 puntos sa 2018; 8.120 puntos sa taong 2017 at 4.667 puntos noong 2016.

Ang estadong ito ay sapat na para maging pangalawang bansa ang Pilipinas sa hanay ng mga taga-Timog-Silangang Asya sa likod ng nasa pampitong Thailand (58.369 puntos). Nasa pang-18th na puwesto naman sa mga taga-Southeast Asian na bansa ang Singapore habang ang Malaysia, Indonesia at Myanmar ay nakaupo sa pang -20,-23 at -28 ayon sa pagkakasunud-sunod.

Nangunguna sa buong Asya ang Japan (100 puntos), Kingdom of Saudi Arabia (95.006 puntos), China (93.0 puntos), Qatar (83.787 puntos), Islamic Republic of Iran (77.589 puntos) at Republic of Korea (68.255).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page