Kitang-kita naman na kumikita siya… Morenang aktres, may topak kaya laging iniiwan ng mga lalaki, su

BLIND ITEM: Kapos sa ganda ang isang morenang aktres pero may lalim namang umarte at paboritong kunin sa mga indie movies. Hindi masasabing box office star siya, pero minsan, kumita nang malaki ang movie niya kasama ang isang comedian na kapos naman sa pagiging magandang lalaki.
Maraming direktor ang pumupuri sa husay sa pag-arte ng morenang aktres. Pero, parang kapos pa rin siya ng mass appeal. Wala siyang gaanong fans kahit mahigit dalawang dekada na siyang nag-aartista.
Napapanood din siya sa mga serye o telebisyon. Hindi naman siya nababakante ng projects. Nasa mainstream pa rin siya.
Ang ipinagtataka lang ng mga netizens, parang walang katropa o barkada o BFF na artista ang morenang aktres. Madalas ay loner siya at hindi nakiki-join sa mga showbiz events at happenings. May sarili siyang mundo at maging ang kanyang love life ay kumplikado rin. Madalas siyang iwan ng mga lalaking nakakarelasyon. May mood swings din kasi siya at hindi maintindihan.
Ang nakakalokah, “Baratilyo Queen” ang tawag sa kanya ng mga saleslady sa ukay-ukay store. Bagsak-presyo na nga raw kasi sa P50 ang mga binibili nito, tinatawaran pa niya.





Comments