top of page

Isinilang sa Year of The Ox, susuwertehin sa career, mapapabayaan naman ang love life at sex life

  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 3, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Ituloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing katangian at kung ano ang magiging kapalaran nilang mga isinilang sa animal sign na Ox o Baka ngayong 2020.

Kung ikaw ay isinilang noong 1925 at 1985, ikaw ay Wood Ox; kung 1937 at 1997, ikaw naman ay Fire Ox; kung 1949 at 2009, ikaw ay Earth Ox; kapag 1961 naman, ikaw ay Metal Ox at kapag 1973, ikaw ay Water Ox.

Ang lahat ng binanggit na taon ay nasa ilalim ng kapangyarihan at impluwensiya ng animal sign na Baka o Ox kung saan tinatayang ganito ang inyong pangunahing katangian at kapalaran ngayong 2020.

Sinasabing maraming magagandang kapalaran ang darating ngayong 2020 sa Ox, higit lalo sa aspetong may kaugnayan sa materyal na bagay. Ang mga pakinabang na ito at magagandang kapalarang may kaugnayan sa materyal na bagay ay mangyayari dahil sa pagiging mautak, masikap at diskarteng praktikalidad ng Ox.

Bagama’t, may mga pagdadalawang-isip at panghihina ng loob na mararanasan, kung magagapi lamang ng Ox ang panghihina ng loob na ito at sa halip ay itutuloy nang itutuloy ang anumang proyektong kanilang maiisip na isakatuparan, tulad ng nasabi na, may pangako ng malaking tagumpay at

pag-unlad sa Ox ngayong buong 2020.

Kung ikaw ay young professional o estudyante, malaki ang tsansa na ma-promote ka sa iyong pinagtatrabahuhan hanggang sa tuluy-tuloy na lumago at lumaki ang iyong income ngayong buong 2020. At para sa mga estudyante, ang anumang pagsisikap na iyong gagawin ay magdadala sa iyo sa malaking karangalan at maaaring ngayong taong ito, papasa ka na sa mga pangunahing pagsusulit na iyong kukunin, kaya bukod sa karangalan, ang 2020 ay may pangako rin ng inner happiness o masasayang karanasan, lalo na sa career.

Sa kabila ng mga promosyon at magagandang pangyayari sa career, may babala rin ng bahagyang conflict o mga problemang personal sa pakikitungo sa iyong co-employee at mga nakatataas sa iyo. Dahil dito, kailangan mo ang dagdag na diskarteng diplomasya o husay sa pakikipag-usap at pakikipagbolahan sa iyong mga kasama. Ang pagiging sensitive o maramdamin ay hindi rin dapat pairalin upang mabalanse mo ang mga intriga at paninira ng mga taong naiinggit sa iyo.

Dahil patuloy na gaganda ang iyong career at kalagayang pangkabuhayan, hindi mo sila dapat pansinin, sa halip, hayaan mo lang sila at ituloy mo ang mga makabuluhang bagay na iyong ginagawa.

Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon sa kababaihan na wala pang love life, maaaring matagpuan mo na ang masaya at romantikong relasyon. Ang pagkakaiba lang sa kalalakihan, magdidire-diretso ang kaligayahan, habang sa mga kababaihang Baka, ang ligaya o relasyon ay maaaring panandalian lamang.

Dagdag pa rito, ang mga pakikipagrelasyong nabanggit na mararanasan ay mangyayari sa pakikisalamuha sa lipunan, kaya ang pag-attend sa mga social gathering ay sadyang magiging mahalaga at kapaki-pakinabang.

Sa mga may asawa na at karelasyon, magiging maligaya ang bawat araw, ngunit dapat ding ingatan ang kalusugan habang dinaragdagan ang pakikipagniig at lalo pang pagpapasigla sa relasyon. Bagama’t, may mga hindi pagkakaunawaang magaganap, ang maliit na problemang ito ay madali namang masosolusyunan.

Sa pangkalahatan, habang umuunlad ang buhay at kabuhayan, bahagyang maeetsapuwera ang sandali sa pakikipagniig at romansa, gayundin ang dagdag na panahon sa aspetong pandamdamin, kaya iminumungkahi na kahit maging abala sa propesyon o aspetong pangkabuhayan, dapat pa ring bigyang-prayoridad ang relasyon at pamilya upang maipreserba at matiyak ang maligaya at panghabambuhay na pagsasama.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page