Constantinople at Show Off, carry over

Magandang karera ang magaganap sa pagbabalik ng laban sa Santa Ana Park, Naic, Cavite dahil sa pagkakaroon ng carry over sa Winner Take All (WTA).
Sa pagkakapanalo ng Show Off at Constantinople ang siyang nagdulot ng walang nanalo sa 3rd WTA ngunit, dalawang nakakuha ng consolation price o 6 point.
Sa simula ng WTA sa race 1, nagbigay ng dividendo na P7,791.60 habang ang 1st Pick 5 ay nagbigay ng dividendo na P1,514.20 sa (1/5,7/7/1/3) samantala, ang 1st Pick 6 ay naghatid ng 2,894.40 sa kombinasyong (3/1/5,7/7/1/3).
Nanalo sa 2nd WTA ang kombinasyon na 5,7/7/1/3/1/6/5 na nagbigay ng P780,001.00 at nagbigay sa 2nd pick 5 (7/1/3/1/6) P38,689.00 sa pagkakapanalo ng Show Off.
Sa pagkakapanalo ng Constantinople nagbigay sa 3rd Pick 5 ng halagang P59,994.60 sa kombinasyon (1/6/5/1/4) habang sa 2nd Pick 6 sa kombinasyon na (3/1/6/5/1/4) at nagbigay ng P457,378.80, sa 3rd WTA na may kombinasyon na (1/3/1/6/5/1/4) P91,991.60.
Hugandong nanalo ang liyamadong si Pangalusian Island sa katatapos na 2020 Philracom 4-Year Old and Above Local matapos maungusan ang nauunang si Victorious Colt.
Tinanggap ni Pangalusian Island ang unang premyong P720,000.00 at trophy habang tumanggap ng P270,000.00 ang pumangalawang si Victorious Colt.
Sa simula ng laban tanging nauuna ang Best Regards habang pangalawa ang Victorious Colt at paparating ang Pangalusian Island hanggang pagsapit sa huling likuan.
Pagsapit sa huling 300 meters, nanalo na may kalayuan sa kalaban ang Pangalusian Island na lagpas sa finish line.





Comments