top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Carco Movers at Lifesavers, mag-uunahan sa Superliga

VA/MC
Mar 3, 2020
2 min read

ILULUNSAD na ng mga bigating F2 Logistics at Chery Tiggo ang kani-kanilang mga pakay para sa titulo sa sandaling makaharap na nila ang kani-kanilang mga kasagupa sa eksplosibong triple-header ng Philippine Superliga (PSL) Grand Prix ngayong Martes sa Bacoor Strike Gym sa Bacoor City.

Makaraang kapusin sa pagwawagi ng titulo sa nakaraang dalawang taon, pipilitin ng Cargo Movers na lumaban kontra sa mapanganib na PLDT Home Fibers ng 5 p.m. habang babanat ang Chery Tiggo Crossovers kontra sa isinaayos ding Marinerang Pilipina squad ng 7 p.m sa prestihiyosong women’s club league.

Hanap din ng Generika-Ayala ang unang panalo kontra Cignal sa 3 p.m. opener ng torneo.

Ang F2 Logistics, na nagreyna sa import-laced conference noong 2017 ay mapapahamon sa lakas ng katunggaling si Katherine Bell ng Petron Blaze

Spikers katuwang ang star-studded local crew na nagdomina sa nakaraang dalawang edisyon ng Grand Prix.

Nawala ang core ng Blaze Spikers na sina Mika Reyes, Denden Lazaro, Rhea Dimaculangan at Chloe Cortez habang kinumpirma naman ng F2 Logistics ang pagbabalik ni import Lindsay Stalzer at Filipino-American spiker Kalei Mau, maging ang serbisyo nina Aby Maraño, Kianna Dy, Kim Fajardo, Dawn Macandili at newly-crowned PSL ambassadress Majoy Baron.

Mamartsa sa laro ang Cargo Movers bilang heavy favorite dahil sa impresibong panalo sa unang laban na siyang magbibigay hamon sa kanilang mga katunggali.

“Kalei is a super good addition to the team. I love having her around. She brings a lot of energy and enthusiasm and power to the practices and of course, she’ll bring it to the game,” ayon kay Stalzer, na pakay din na makapartner ang dating Arizona standout.

“She’s also very good at just being communicative with all the players. She really brings everyone together, making everyone comfortable with each other.”

Isasalang ng PLDT ang pagbabalik ng seasoned head coach na si Roger Gorayeb, na hindi nakatrabaho sa kalahatian ng conference noong nakaraang taon dahil naoperahan ito.

Sa pagbabalik ni Gorayeb gayunman ay binigo ang Power Hitters’ 24-26, 23-25, 27-29 ng Sta. Lucia sa opener nang magpakita ng lakas ng laro si Canadian Shainah Joseph sa bisa ng 23 puntos habang ang bagong player na si Mika Reyes ay may 5 blocks at 10 puntos na nagawa.

Ipinarada naman ng Chery Tiggo ang bagong players na sina Mylene Paat, Jasmine Nabor, Rachel Austero, Joy Dacoron, Janine Navarro at import Tatjana Bokan.

Umaasa si Crossovers coach Aaron Velez sa kanyang bataan dahil sa gutom sila sa titulo bunga ng apat na taong hindi man lang nakapag-champion sa Grand Prix.

“We want to grab that elusive championship. Who is more determined and hungrier have the capacity to get that championship,” ani Velez.Samantala, wala pang panalo ang Marinerang Pilipina sa 21 games mula nang lumahok sa nakarang All-Filipino Conference.

Sisikapin ng bagong recruit na sina Croatian import Hana Cutura at Coleen Bravo na makapagdeliber ng unang panalo para sa team.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page