top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Antetokounmpo, naka-41 pts. ‘di pinaporma ang Hornets

MC
Mar 3, 2020
2 min read

Nagbagsak ng 41 puntos si Giannis Antetokounmpo at sumunggab ng 20 rebounds nang makalusot ang Milwaukee Bucks laban sa Charlotte Hornets, 93-85 sa NBA game kahapon.

Naiusad ng Bucks ang league-leading record sa 52-8 sa bisa ng kanilang ika-anim na diretsong panalo mula nang matapos ang All-Star break.

Ayon kay Antetokounmpo dire-diretso lang ang layunin sa laro na maka-100-point ang regular-season kahit na may natapos pa lamang na 83. “I don’t think anybody cares about that,” aniya hinggil sa triple-digit scoring streak na nagawa niya noong Peb. 23, 2019. “We as players just come in here and try to get a win.”

Samantala, umiskor si LeBron James ng triple-double nang magawang makaalpas ng bisitang Los Angeles Lakers kahit wala sa laro ang katuwang niyang si All-Star forward Anthony Davis nang talunin ang New Orleans Pelicans 122-114.

Si Davis, na may averaged na 36 points nang magwagi ang Lakers sa unang tatlong laban sa dati niyang team, kung saan naupo na lamang siya dahil sa pamamaga ng tuhod nang matalo sa 105-88 kontra Memphis.

May nagawang 40 points si James sa 118-109 home victory laban sa Pelicans noong Martes at tumapos na may 34 points, 13 assists at 12 rebounds.

Dumagdag si Kyle Kuzma ng 20 points, umiskor ng 13 si Kentavious Caldwell-Pope, habang may tig-10 sina Danny Green, Avery Bradley at Markieff Morris.

Namuno naman para sa Pelicans si Rookie Zion Williamson nang magtala ng career-high 35 points, may naitarak na 20 puntos sa ika-11 sunod na laro.

Umiskor sina Lonzo Ball ng 19, si Brandon Ingram ay may 15, si Derrick Favors ay may 12 points at 14 rebounds, si Jrue Holiday ay may 11 at 10 si Nicolo Melli.

Sa iba pang laban, nagwagi ang Dallas Mavericks sa Minnesota T’wolves, 111-91; ginapi ng LA Clippers ang Philadelphia 76ers, 136-130; hindi nakaporma ang Detroit Pistons sa Sacramento Kings, 106-100; habang nanalo ang Washington Wizards, 124-110.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page