top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kapag nakansela ang Olympics walang Plan B ang Japan

MC/Alvin Olivar
Mar 2, 2020
1 min read

Wala umanong pangalawang opsiyon ang organizer ng Tokyo Olympics o Plan B sakali mang mai-postpone ang naturang sporting events dahil sa banta ng coronavirus.

May nabanggit na kaunting pagbabago sa sistema, at ayon kay Katsura Enyo, deputy director general ng Tokyo 2020 Preparation Bureau na tuloy pa rin ang Olimpiyada. Kumatig naman si International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach sa desisyon ng Japan at aniya desidido ang nasabing bansa na ituloy ito sa nasabing petsa.

Umaabot na kasi sa mahigit $12 billion (estimated P600-B) ang nagastos ng Japan para sa pinakamalaking sporting event na gaganapin simula Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

Una nang sinabi ng Olympic chiefs na wala silang planong magkansela ng summer games sa Tokyo kung hindi manggagaling sa World Health Organization ang utos na kanselahin ito, ayon sa senior IOC official.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page