Kahit 'di raw sila nag-uusap… Kasal ni Jake Zyrus sa GF, aprub sa madir
- Ador Saluta
- Mar 2, 2020
- 2 min read

Binahagi ng nanay ng da-ting si Charice Pempengco now Jake Zyrus na si Raquel Pempengco ang kanyang saloobin sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng newlyweds na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa ina ng Pop Princess na si Divine Geronimo o ang binansagan ngayong
‘Divine Intervention’ dahil sa pagge-gatecrash sa kasal ng anak. Sabi ni Raquel, masaya siya for Pop Royalty Sarah dahil natagpuan nito ang tunay na magmamahal sa kanya sa katauhan ni Matteo. Ganunpaman, nakikisimpatya rin siya ngayon sa pinagdaraanan ni Mommy Divine. “Happy ako kasi nahanap na ni Sarah G. ang happiness niya, ‘yun naman ang importante,” aniya.
Para kay Raquel, sapat na raw ang 15 taon na naitulong ni Sarah sa kanyang pamilya katulad nang itira ang mga ito sa magarang bahay, ang sustentuhan ang pamilya at pag-aralin ang mga kapatid ng singer-actress.
‘Yun nga lang, masakit daw para sa kanya na pinaglihiman ni Sarah sa mismong kasal niya si Mommy Divine.
“Bilang ina, napakasakit ang ipinagwalang-bahala ka ng isang anak,” post ni Raquel sa kanyang Facebook page.
Para kay Raquel, malaking bagay daw kung in-inform ni Sarah ang mga magulang, lalo na si Mommy Divine sa kanyang kasal.
“Sana, sinabi na lang ni Sarah in a nice way na ‘Nasa tamang edad na po ako... kahit sa gusto o ayaw n’yo, nagpapaalam lang ako bilang respeto.’
“Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ngayon ni Mommy Divine.... Bilang isang ‘anak,’ nagrebelde rin ako. Bilang isang ‘ina,’ nasasaktan din ako,” ani Raquel.
Sumikat si Raquel sa kanyang laban sa sariling anak na si Charice na isa na ngayong transman with the name Jake Zyrus.
Bagama’t wala pa rin silang communication ng anak, ibibigay naman daw niya rito ang ‘basbas’ na kinakailangan kung sakaling magpapakasal na sa partner nitong si Shyre Aquino.
“Kung doon siya masaya, okay lang sa akin. Lahat naman sila, kahit na wala silang komunikasyon sa akin, kung saan man sila masaya, may blessing ‘yun,” pahayag pa ni Raquel.




Comments