Davao Occ. laban sa Zamboanga; Bacoor vs. Basilan sa South semis
- MC
- Mar 2, 2020
- 1 min read

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League
Makakaharap ng top seed Davao Occidental at second seed Bacoor ang kani-kanilang mga peligrosong karibal na Zamboanga at Basilan sa simula ng Chooks-to-Go MPBL Lakan Season South division semifinals ngayong Lunes sa RMC Arena sa Davao City.
At dahil nasa kanila ang homecourt advantage, mas paborito ang Davao Occidental Tigers laban sa Zamboanga sa kanilang 8:30 p.m. na laro.
Bagama’t, alinlangan pa si Mark Yee sa paglalaro, malakas pa rin ang laban ng Tigers kontra 5th seeded Zamboanguenos na tinalo ang Batangas City Athletics sa kanilang quarterfinal round series.
Dumaranas kasi siya ng partial ACL tear sa kanang tuhod, habang kalaban ang Bicol pero nakagawa pa rin ng matinding mga puntos at rebounds sa overtime upang iangat ang Tigers kontra Volcanoes sa kanilang quarterfinal series decider, 64-56 noong Biyernes.
Kung sakali mang hindi maging maayos ang lagay ni Yee, ipapalit ng Davao si Alvin Pasaol kontra Zamboanga. Hindi man buo ang puwersa ng Tigers, inaasahan na ang Bacoor Strikers ay maglalabas ng marami pang bala kontra Basilan Steel.
Sina MPBL Datu Cup MVP Gab Banal, Michael Mabulac, Michael Canete, Mark Pangilinan at RJ Ramirez ang mangunguna sa Strikers.
Hindi rin dapat maliitin ang Basilan dahil mayroon silang Gilas pool member na si Allyn Bulanadi, na suportado rin ni Jay Collado, Hesed Gabo, Gab Dagangon at Jhaps Bautista.
Comments