top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Lumaki raw na mayaman… Ivana, idinispley sa vlog ang mansiyong pamana ng Moroccan dad

  • Vinia Vivar
  • Mar 1, 2020
  • 1 min read

Hit na hit ngayon ang latest YouTube vlog ni Ivana Alawi na house tour ng kanyang mansion sa Bahrain na isa sa ipinamana sa kanya ng yumaong Moroccan father.

As we write nga, wala pang 24 hours na ipino-post ito ni Ivana ay mahigit 3 million na agad ang views nito. Bongga!

Matutuwa ka naman talagang panoorin ang video dahil nakaka-amaze ang ganda at pagkasosyal ng mala-palasyong bahay. Ito rin ang pagpapatunay na hindi joke o tsismis lang ang tsikang sa kanya ipinamanang lahat ng rich father ang mga properties nito.

Ani Ivana sa simula pa lang ng video, ito raw ang bahay kung saan siya lumaki.

“Isa ito sa pinaka-special na video na ilalabas ko sa YouTube channel ko kasi ipapakita ko sa inyo kung saan ako lumaki, kung saan nag-start si Ivana Alawi.

Nandito tayo ngayon sa Bahrain at ito ang aking childhood house. Dito ako naglaru-laro,” pahayag ni Ivana.

Halatang wala nang nakatira sa mansion dahil sa Pilipinas na sila nakabase ng kanyang ina kasama ang mga kapatid.

Pati ang mga netizens ay manghang-mangha sa karangyaan ng mansion pati na rin ng childhood life ni Ivana. Sey nga ng isa, kuwarto pa lang ng sexy actress ay isang buong bahay na nila.

Dito rin naniwala ang mga netizens na rich pala siya talaga at kaya raw pala “heiress” ang tawag sa kanya.

Matatandaang noon pa inamin ni Ivana sa interview niya sa Gandang Gabi Vice na binigyan siya ng malaking inheritance ng kanyang ama.

Pinuri-puri rin si Ivana ng mga netizens dahil napaka-down-to-earth daw ng aktres kahit mayaman ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page