Inirampa habang kasama si Ion… Bayong ni Vice, worth P41-K
- Ador Saluta
- Mar 1, 2020
- 1 min read

Sa bakasyon nina Vice Ganda at Ion Perez sa Amanpulo resort sa Palawan kung saan ipinagdiwang nila ang Valentine’s Day, panay ang pagpo-post ng It’s Showtime host ng ilan sa kanyang fashion statement.
In-upload ni Vice ang ilan sa kanyang mga beach OOTDs, with the caption: “Ooooops!!! ‘Wag mainggit just appreciate! [emojis]”
It’s Showtime host Vice channeled his inner-Baywatch babe in Gucci’s red logo-print swimsuit, which, according to lyst.com, is priced at US$490 or around P25,000. Pero ang pinaka-highlight of Vice Ganda’s look was his beach “bayong” from French fashion label Jacquemus. It was hard to miss because of its massive size.
Sagot ng Kapamilya actress na si Bela Padilla, “Pakilabas na ‘ko sa bag, please.”
Comment naman ng isa sa mga co-hosts ni Vice sa It’s Showtime na si Jugs Jugueta, “@praybeytbenjamin, ang laki naman ng bag mo!”
Samantala, celebrity stylist Liz Uy was curious. Aniya, “Ano laman?”
At kung magkano ang halaga ng tinawag na Le Grand Baci?
Well, US$790 lang naman or around P41,000.






Comments