top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

In-unfriend sa FB pero sweet sa panaginip, buking na gustong-gusto pa rin, hindi lang maamin

  • Socrates Magnus
  • Mar 1, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Joan na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor, Napanaginipan ko ‘yung dati kong FB friend na in-unfriend ko, nagkita kami at super-sweet namin. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay, Joan

Sa iyo Joan, Madalas, dinaraya natin ang ating sarili. May mga bagay na sinasabi nating ayaw na natin, pero gusto pa pala natin.

May nagsabi na ayaw na niya ng mga junk food, pero kain pa rin siya nang kain. Mayroon ding ang sabi, hindi na siya iinom ng alak, pero nang yayain ay siya pa ang tagatagay.

Ganu’n ang buhay sa mundo, ang ayaw natin ay madalas na lips service lang, as in, sinasabi lang natin na ayaw natin, pero gusto pa rin natin.

Ngayong usung-uso ang social media tulad ng Facebook, ang ganitong katotohanan ay nangyayari pa rin.

Sabi ng iyong panaginip, think before you click dahil baka ang iyong ma-delete ay ang taong mahalaga pala sa iyo.

Ayon din sa iyong panaginip, ang taong inayawan mo ay gusto mo pa rin, pero hindi pangkaraniwang pagkakagusto dahil ang tamang salita ay siya ay gustung-gusto mo.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page